Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na matapos mo na ang isang bagay na matagal mo na dapat natapos dati pa. Magtiwala sa iyong sariling kakayahan.
Love:
Couples: Bigyan mo ng chance na manalo ang iyong partner sa inyong mga argumento para hindi naman siya palaging nagtatampo sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 4
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may mas mabuting sundin mo muna kung ano ang iyong mga kutob at hinala ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Okay lang naman na maging romantic ka sa iyong partner, basta ba naglalaan ka rin ng oras para sa iyong pamilya.
Mohey/Career:
Magiging okay naman ang araw mo sa iyong trabaho. Magsipag ka lang ng onti dahil may chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mas mabuting ipaubaya mo na lang sa ibang tao ang ilan sa iyong mga gawain para naman makatapos ka kaagad.
Love:
Singles: Kung kinukutuban ka sa isang tao, mas mabuting maging maingat ka at bantayan mo ang kanyang mga kilos.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magpastress sa iyong trabaho. Tumawa ka naman paminsan-minsan.
Lucky color: Red
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Iwasan mo munang gumastos ngayong araw. Kailangan mo munang magtipid dahil may paparating kang malaking gastusan.
Love:
Singles: Huwag kang ma-fall agad sa isang tao basta-basta. Kaibiganin mo muna siya para makita mo ang kanyang tunay na ugali.
Money/Career:
Ibigay mo ang lahat ng iyong effort sa iyong trabaho para lumaki ang chance mo na magtagumpay rito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Panahon na para aksyunan mo ang isang bagay na matagal nang gumugulo sa iyong buhay. Huwag mo na ito patagalin pa.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa na magkaroon ng seryosong relasyon, mas mabuting huwag ka na munang makipagrelasyon sa iba.
Money/Career:
Kung may balak kang maghanap ng ibang trabaho, gawin mo na ito.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Okay lang naman na magsaya ka, pero dapat ay tapusin mo muna ang mga bagay na inutos sa iyo para hindi ka mapagalitan.
Love:
Singles: Maaaring may taong magpakilig sa iyo ngayong araw. Magpakipot ka ng kaunti para naman ma-challenge siya.
Money/Career:
Kung meron kang paparating na exam, may chance na hindi maging maganda ang resulta nito.
Lucky color: Rose
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung merong bagay na gumugulo sa iyo, mas mabuting i-share mo ito sa ibang tao para naman gumaan ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang matukso ka ng ibang tao. Tandaan mo na nasa partner mo na ang mga katangiang hinahanap mo sa isang tao.
Money/Career:
Okay lang naman na manlibre ka paminsan-minsan, lalo na kung kailangan mong makalimot muna sa iyong problema.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mong tuparin ang mga bagay na ipinangako mo sa ibang tao. Huwag mong hayaang isipin nila na paasa ka.
Love:
Couples: Kung nagkamali man ang iyong partner, patawarin mo siya at bigyan ng second chance lalo na kung deserve niya naman ito.
Money/Career:
Nasa iyo ang mga katangian para maging successful sa iyong napiling career.
Lucky color: Blue
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng bagong matitirhan o kaya sa mga taong nagpaplanong baguhin ang itsura ng kanilang bahay.
Love:
Couples: Makinig ka sa sinasabi ng iyong partner. Hindi ito ang oras para maging pasaway ka sa kanya. Sundin mo na lang siya.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng exam kamakailan, may malaking chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 24
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Makinig ka sa opinyon ng ibang tao. Malay mo ay makita mo ang point nila at mabago nito ang iyong desisyon tungkol sa isang bagay.
Love:
Couples: Maaaring sobrang stressed ang iyong partner kamakailan, kaya mas mabuting maging sweet ka na lang sa kanya para gumanda ang kanyang mood.
Money/Career:
May malaking chance na may matanggap ka na pera sa mga susunod na araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi ka sigurado sa dapat mong gawin, mas mabuting sundin mo na lang ang bagay kung saan ka mas magiging kampante.
Love:
Couples: Kung meron kayong event na inaasikaso, mas mabuting piliin ninyong mabuti ang mga taong iimbitahan ninyo.
Money/Career:
Magrelax ka lang. Hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng aberya sa iyong pinapasukan.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 3
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung merong taong naiinis sa iyo, lapitan mo siya at tanungin kung anong problema niya sa iyo. Diretsyuhin mo na siya.
Love:
Singles: Pag-aralan mong mabuti ang mga nangyayari sa love life ng iyong mga kaibigan para namanmagkaroon ka ng idea kung gaano kahirap sumabak sa isang relasyon.
Money/Career:
Kung merong bagay na inoffer sa iyo, mas mabuting tanggapin mo na ito kaagad lalo na kung alam mo naman ang iyong ginagawa.

