Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo. Pero kunin mo lamang ang sa tingin mo na paglalaanan mo ng maraming oras.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na umibig muli kaya naman may malaking chance na maging romantic ka sa ibang tao.
Money/Career:
Kung meron kang balak na bilhin, siguraduhin mo muna kung kailangan mo ba talaga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag kang mahiyang makipag-usap sa mga taong hindi mo kilala, lalo na kung meron kang gustong itanong sa kanila.
Love:
Singles: May malaking chance na kontakin ka ulit ng iyong ex. Kung wala ka ng feelings sa kanya, iignore mo na lamang siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mong hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Kaya naman mag-ingat kang mabuti sa mga taong kinakasama mo.
Love:
Couples: Huwag mo lang idaan sa salita na mahal mo ang iyong partner. Gumawa ka rin ng aksyon para naman damang-dama niya.
Money/Career:
Hindi man maging maganda ang mangyayari ngayong araw, tiyak naman na matatapos rin ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 28
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang mga bagay na hindi na ginagamit, mas mabuting idonate mo na lamang ito sa ibang tao.
Love:
Couples: Magconcentrate ka muna sa iyong trabaho, pero huwag mong kalimutang kamustahin ang iyong partner kung may extra time ka.
Money/Career:
Kahit na gusto mong umasenso sa buhay, may mga tao talaga na hahadlangan ka sa mga gusto mo.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 2
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maging honest ka sa iyong sarili. Kung hindi mo gusto ang isang bagay, sabihin mo na agad ito para hindi ka na pilitin pa ng iba.
Love:
Couples: Makinig ka sa iyong partner dahil may point naman ang sinasabi niya. Bawas-bawasan mo na ang pagiging matigas ng iyong ulo.
Money/Career:
Mag-ingat ka dahil mukhang meron kang katrabaho na gagamitin ka para lamang gawin mo ang kanilang gawain.
Lucky color: Orange
Lucky number: 22
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Matuto ka sa iyong mga kamalian at gamitin mo ang mga ito para hindi mo na maulit ang iyong mga kasalanan.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo pero wala ka munang time para magfocus sa mga ganitong bagay.
Money/Career:
Kahit na maraming bagay ang ipagawa sa iyo ngayong araw, tiyak naman na matatapos mo ang mga ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi mo masyadong gusto ang status mo sa ngayon, mas makakabuti kung muli mong iisipin kung ano talaga ang goal mo sa buhay.
Love:
Couples: Mukhang maganda ang araw na ito para bumawi ka sa iyong partner lalo na kung naging busy ka kamakailan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagsusulat ng libro ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 21
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mong kalimutang alagaan ang iyong sarili. Okay lang naman na magpagod sa trabaho, pero dapat ay alam mo rin na kailangan mo ng pahinga.
Love:
Couples: Mukhang may mga weird requests sa iyo ang iyong partner ngayong araw. Kaya kung carry mo naman, pwede mo siyang pagbigyan.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong strengths at gamitin mo ito para lalo kang magtagumpay sa iyong career.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magiging biktima ka ng fake news ngayong araw, kaya mas mabuting huwag ka basta-basta maniniwala sa mga maririnig mo.
Love:
Couples: Kung sa tingin mo ay boring na ang inyong relasyon, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para maiayos ito.
Money/Career:
Siguraduhin mong nabayaran mo na ang lahat ng iyong bills para hindi ka na mahassle sa huli.
Lucky color: Violet
Lucky number: 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang marami kang maiisip na mga ideyang maganda, kaya naman gawin mo ang lahat para magawa mo ang mga ito.
Love:
Singles: Alam mo na sa iyong sarili kung ano talaga ang hinahanap mo sa isang tao na magiging parte ng iyong buhay.
Money/Career:
Kung merong oportunidad na dumating sa iyo, tanggapin mo lamang ito lalo na kung sigurado ka na talaga rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi mo sigurado kung anong desisyon ang dapat mong gawin, subukan mong kumunsulta sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Mukhang magiging makulit na naman ang iyong partner ngayong araw, kaya habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Kung meron kang balak na bumili ng lupa o sasakyan, mas mabuti kung sisimulan mo na agad ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang ito na ang tamang panahon para putulin mo ang iyong koneksyon sa isang tao na wala nang naitutulong sa iyo.
Love:
Couples: Intindihin mo rin ang iyong partner. Nahihirapan din siya kaya naman kailangan mo ring mag-adjust.
Money/Career:
Kung meron kang balak na magtayo ng iyong sariling business, mas mabuti kung sisimulan mo agad ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 7

