in ,

Daily Horoscope: August 12, 2018 – Sunday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang gustong sabihin sa isang tao, sabihin mo na ito kaagad at huwag ka na magpaligoy-ligoy pa.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong ma-excite kung may lakad kayo ngayon ng iyong partner dahil baka hindi ito matuloy kung masama pa rin ang panahon.
Money/Career:
Huwag ka masyadong masungit sa iyong mga kasama. Kung nakukulitan ka sa kanila, pagsabihan mo na lang nang maayos.
Lucky color: Brown
Lucky number: 6

Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang unti-unti ka nang natututo sa buhay. Nakakagawa ka na ng mga tamang desisyon at hindi ka na rin basta-basta nagpapauto sa iba.
Love:
Singles: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong pamilya, lalo na kung napapadalas na ang pagiging busy mo.
Money/Career:
Huwag mo hayaang masira ang tiwala ng ibang tao sa iyo, lalo na kung pinaghirapan mo talagang makuha ito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 26

Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna kumain ng mga malalamig na pagkain dahil malaki ang chance na sumakit ang ulo mo at sumama ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Kung may problema ka sa iyong partner, sabihin mo ito agad sa kanya para naman magawan niya ito ng paraan.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong kasalukuyang trabaho, malaki ang chance na hindi ka mag-improve dito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 22

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Tulungan mo ang isang tao sa kanyang gawain ngayong araw, lalo na kung may alam ka talaga sa kanyang ginagawa.
Love:
Singles: Huwag mo masyadong taasan ang iyong expectations para naman hindi ka madisappoint sa mga taong nakakasama mo.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramda, mas mabuting manatili na lamang sa bahay at huwag na umalis.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Makinig ka sa sasabihin ng ibang tao dahil may chance na may point naman sila. Huwag masyadong close-minded.
Love:
Couples: Huwag ka na maging pasaway sa iyong partner. Kapag nainis siya sa iyo, mahihirapan ka lang na suyuin siya.
Money/Career:
Kung hindi ka masaya sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para gawin mo kung ano talaga ang gusto mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 14

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magfocus ka sa iyong mga gawain. Kung magulo ang isip mo, tiyak na magkakamali ka at uulit ka sa umpisa.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para pumasok ka sa isang seryosong relasyon, lalo na kung may taong sumusuyo sa iyo.
Money/Career:
Kahit na magaling ka sa iyong trabaho, may mga times talaga na tatamarin ka.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi mo gusto ang ginagawa ng ibang tao, mas mabuting huwag ka na lang magcomment at baka mag-away lang kayo.
Love:
Couples: Mukhang may matatanggap na good news ang iyong partner ngayong araw. Siya na ang bahala kung sasabihin niya ito sa iyo o hindi.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 24

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag kang mahiyang sabihin sa iba ang iyong tunay na nararamdaman tungkol sa isang subject. Malay mo, umagree sila sa iyo.
Love:
Singles: Makinig ka sa iyong sarili. Kung napipilitan ka lang, huwag mo na ito gawin para hindi mo ito pagsisihan.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maging malambing ka sa iyong mga kaibigan lalo na kung may favor ka na ipapakiusap sa kanila ngayong araw.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. Pwede mo siyang bigyan ng regalo o kaya’y itreat sa isang dinner.
Money/Career:
Okay lang naman na ilibre mo ang iyong mga kaibigan, pero huwag mo naman dalas-dalasan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 21

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na mapabilib mo ang ibang tao sa iyong kakaibang talento. Magpractice ka pa para mag-improve ka.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti ka nang nahuhulog sa iyong kaibigan. Huwag ka mataranta dahil mukhang bagay naman kayo.
Money/Career:
Kailangan mong aksyunan agad ang isang bagay lalo na kung ayaw mong magkaroon pa ng komplikasyon sa huli.
Lucky color: Black
Lucky number: 9

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka tamarin ngayong araw. Marami ka pang mga bagay na dapat gawin kaya kumilos ka na para matapos ka rin nang maaga.
Love:
Couples: Hindi mo naman kasalanan kung hindi ka nakakapaglaan ng maraming oras sa iyong partner dahil sa iyong trabaho. Bumawi ka na lang sa kanya.
Money/Career:
Kung masyadong pasaway ang iyong mga kasama, sabihin mo ito sa iyong boss para naman umayos sila.
Lucky color: Green
Lucky number: 30

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging okay naman ang araw mo ngayon. Iwasan mo lang na umalis ng bahay lalo na kung masama ang panahon.
Love:
Couples: Huwag ka na maging pasaway sa iyong partner lalo na kung masyado na siyang stressed dahil sa kanyang mga gawain.
Money/Career:
Maging humble ka lang palagi. Okay lang na maging proud ka sa iyong sarili, pero huwag ka maging mayabang.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 5

Comments

Michelle Vito and Jon Lucas land their biggest break in “Dito Lang Ako”

Hollywood actor on Kris Aquino: “She’s the real crazy rich Asian”