“Mukhang lumalakas pa talaga ang kalaban!”
“Kailangan na ng resbak!”
Muling ibinabalik ng GMA Network ang apat na Sang’gres ng “Encantadia,” sina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Glaiza de Castro, upang tumulong sa bagong superhero ng Kapuso, si “Victor Magtanggol.”
Base sa mga naglabasang behind-the-scenes photos sa social media, nakapagtaping na ang apat last week at inaasahang lalabas na sila this coming week. Naglabas na rin ang GMA Network ng teaser sa Friday episode ng show.
Mulawin Lakan to Victor Magtanggol
Marami pa rin ang nakakaalala sa naging guesting noon ni Alden Richards bilang si Lakan, isang mulawin sa “Encantadia” remake last year. Iniligtas noon ni Lakan si Danaya, isang Sang’gre, nang ito ay mapalagay noon sa kapahamakan. Ito na kaya naman ang ganting tulong ng mga Sang’gre sa kabaitan ni Lakan?
Walang nag-aakala na magkakaroon ng cross-over ang “Encantadia” sa Norse-mythology inspired na teleserye ng GMA Network pero dahil sa ito’y isang fantasy, lahat posible.
Pero ang tanong ngayon ng mga fans: May kaugnayan nga kaya si Victor Matanggol kay Mulawin Lakan?
GMA Network creating their own Kapuso Universe
Katulad ng Marvel at DC, mukhang nasa stage na ang GMA Network sa paggawa ng sariling nilang fantasy universe featuring ang kanilang mga original characters mula sa kanilang mga naunang fantaseryes.
Hati ang reaksyon ng mga Kapuso viewers
“sooo shittt bat may crossover yung victor magtanggol at encantadia nooooooo plssssss”
“You know what’s exciting GMA has created their very own Super Universe, Encantadia, Mulawin, Alyas Robin Hood, Super Maam, Victor Magtanggol, their very own Franchise. Their own rights on each of these characters where they have complete control…”
“Norse mythology ang concept ng Victor Magtanggol, puta bat may Encantadia? Ano yon ung mga bato ni Thanos? Hahahahah”
“HAHAHA yung encantadia na sa mulawin, ngayun naman na sa victor magtanggol minsan nakakawalang gana na manood sa GMA7 eh”
“Diba tinulungan din ni Alden yung mga Sang’gre noon? Mulawin pa nga si Alden nun eh (Oy alala ko yon! Nasubaybayan ko kaya ang Encantadia remake) Tapos ngayon, mga Sang’gre na yung tutulong sakanya. Pero Victor Magtanggol na siya ngayon. Ang galing talaga ng GMA sa mga fantaserye”
“I’ve never been really a fan of Encantadia nor had I watch it before, but for the love of Alden, I am going to support them as long as Alden is still the bida and will not be over shadowed by these Sangrees and Gwen is still the love interest of Victor. “
“Naalala ko kanina tumayo yung balahibo ko nung marinig yung theme song ng Encantadia sa Victor Magtanggol!! Damn! Welcome back mga Sangre!!!
#VMFriendshipOver”