Maraming nagulat nang ilabas ngayong hapon ang listahan ng mga nominees para sa kauna-unahang Summer MMFF (Metro Manila Film Festival).
Kung may mga nagdiriwang lalo na ang pelikulang ‘Here Comes The Groom’ na umani ng 13 nominations samantalang ang iba naman ay hindi masyadong napansin.
Isa sa mga nagtaas ng mga tanong ay ang nomination sa Best Actor kung saan halos lahat ay may entry maliban sa ‘Apag’ kung saan posible sanang ipasok si Coco Martin o kahit si Lito lapid pero wala ni isa sa kanila ang nominado habang ang ‘About Us But Not About Us’ ay nakadalawa (Elijah Canlas, Romnick Sarmenta), ‘Here Comes The Groom’ (Enchong Dee), ‘Yung Libro Sa Napanuod Ko’ (Yoo Min-Gon), ‘Unravel: A Swiss Side Love Story’ (Gerald Anderson) at ‘Love You Long Time’ (Carlo Aquino).
Buti pa si Gladys Reyes ay napansin sa Best Actress category at makakalaban niya sina Kylie Padilla (Unravel: A Swiss Side Love Story) at Bela Padilla (‘Yung Libro Sa Napanuod Ko).
Wala rin ang ‘Apag’ sa Best Picture at si Brillante Mendoza sa Best Director.
Heto ang mga kalahok ng Summer MMFF na nagkaroon ng pinakamaraming nominations:
Here Comes The Groom — 13
About Us But Not About Us — 11
Love You Long Time — 10
Unravel: A Swiss Side Love Story — 8
Yung Libro Sa Napanuod Ko — 7
Mamayang gabi na paparagalan ang mga nagwagi. Goodluck!