Muling maghaharap sa isang masayang challenge ang Big Four duos ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”
Maglalaban sila hindi para sa tasks ni Kuya, kundi sa hulaan ng top survey answers sa “Family Feud.” Maglalaro sa Team Reality Royalty ang Big Winner duo na BreKa o sina Brent Manalo at Mika Salamanca, kasama sina CharEs o Charlie Fleming at Esnyr Ranollo.
Hindi naman papatalo ang Reality Rockstars na sina Will Ashley at Ralph De Leon o RaWi, at AzVer duo na sina AZ Martinez at River Joseph.
Asahan ang kilig at unli kulitan ng mga minahal na PBB housemates! Abangan sila at iba pang celebrity players next week sa “Family Feud,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 5:40 p.m. sa GMA-7.

