Kagigiliwan at kapupulutan ng aral ang “Ganito Tayo, Kapuso” short films na maaari na ring mapanood sa official YouTube channel ng GMA Network.
Tampok sa espesyal na koleksyong ito ang seven core Filipino values: Maka-Diyos, Masayahin, Maabilidad, Makabayan, Mapagmalasakit, Mapagmahal, at Malikhain. Bawat kuwento ay nagbibigay-halaga sa isa sa mga values na ito. At bukod sa malikhaing pagkukuwento, sigurado ring kagigiliwan ng mga manonood ang performances mula sa mga paboritong Sparkle artist.
Maaari ring mapapanood ang “Ganito Tayo, Kapuso” sa GMA, GTV, I Heart Movies , at Heart of Asia hanggang August 31.
Samantala, para naman sa mga Global Pinoys, mapapanood ang mga ito sa GMA Pinoy TV simula September 6 at sa GMA Life TV sa October 11.

