It’s giving family goals ang Legaspi family matapos ma-meet ang cast ng superhero movie na “The Fantastic Four: First Steps” sa Sydney, Australia.
Sa isang Instagram post, shinare ni Mavy Legaspi ang group photo nilang pamilya kasama ang mga bida ng pelikula. Nakipag-photo op ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi kina Joseph Quinn at Ebon Moss-Bachrach. Habang nag-pose naman sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kasama sina Vanessa Kirby at Pedro Pascal.
May picture rin sina Mavy at Cassy kasama ang Hollywood superstar na si Pedro, kung saan napa-comment pa ang ilang celebrities gaya nina Bea Alonzo at Gabbi Garcia.
Samantala, abangan ang Legaspi family sa kanilang pagbibidahang serye na “Hating Kapatid” soon on GMA.

