Aries (Mar 21 – Apr 19)
Subukan mong ischedule ang iyong mga gawain para hindi ka na malito kung ano ba dapat ang uunahin mo sa mga ito.
Love:
Singles: Huwag ka na humanap pa sa malayo dahil ang taong nakatadhana para sa iyo ay malapit lamang sa iyo.
Money/Career:
Kung consistent ka sa iyong trabaho, hindi malayong mabigyan ka ng isang magandang oportunidad sa iyong career.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magkakaroon kayo ng biglaan outing kaya naman mas mabuti na meron kang naitabing pera para makasama ka.
Love:
Couples: Maaaring may taong maging sweet sa iyo, pero dapat ay huwag kang magpadala sa kanya. Maging loyal ka sa iyong partner.
Money/Career:
Mas makakabuti sa iyo kung hindi ka muna gagastos ng malaki ngayong araw.
Lucky color: Brown
Lucky number: 13
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mabilis ang mga pangyayari kaya naman dapat ay hindi ka nagpapahuli. Maging alisto ka sa iyong kapaligiran palagi.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na kumain sa labas ngayong araw. Chance mo na rin ito para kamustahin siya.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong mga gawain dahil may malaking chance na mapagbintangan ka ngayong araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magiging maganda ang mood mo ngayong araw, kaya naman may chance na maging productive ka talaga.
Love:
Long-Distance Couples: Malayo man kayo sa isa’t-isa, kung mahalaga sa inyo ang inyong relasyon, gagawa kayo ng paraan para i-maintain ang inyong communication.
Money/Career:
Dahil sa sipag mo sa iyong trabaho, may malaking chance na purihin ka ng iyong boss ngayong araw.
Lucky color: Violet
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na may bumisita sa iyo ngayong araw. Kaya naman huwag mong kalimutan na maghanda para sa kanya o kanila.
Love:
Singles: Maaaring mahulog ang loob mo sa isang foreigner at may malaking chance na maging maganda ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong trabaho, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kasama.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magiging busy ka ngayong araw, kaya naman hindi mo masyadong magagawa ang mga bagay na gusto mong gawin.
Love:
Couples: Kung hindi kayo mag-uusap nang mabuti, hindi talaga matatapos ang inyong away at lalo lang itong lalala.
Money/Career:
Magagawa mong pagkakitaan ang isa mong hobby. Marahil ay sign na ito para magsimula ka ng iyong sariling business.
Lucky color: Rose
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Madalas ka namang swertehin, pero dapat ay nag-iingat ka pa rin sa mga desisyon na gagawin mo. Dapat ay maging alisto ka pa rin.
Love:
Couples: Lumabas ka kasama ng iyong partner para naman mabawasan ang stress mo. Gumawa kayo ng mga bagay na ieenjoy ninyo.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng interview kamakailan, may malaking chance na makatanggap ka ng good news tungkol dito.
Lucky color: Violet
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka masyadong matakaw ngayong araw dahil may malaking chance na sumakit ang iyong tiyan at sumama ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, malalaman mo na ang rason sa likod nito ngayong araw.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May chance na masorpresa ka ngayong araw, pero huwag kang mag-alala dahil mukhang maganda naman ang sorpresang ito.
Love:
Couples: Kung gusto ninyong magtagal ang inyong pagsasama, dapat ay gumagawa kayo ng mga paraan para lalo pang mapaganda ang inyong relasyon.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa trabaho, may malaking chance na kilala ka sa inyong department.
Lucky color: Black
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kahit na mahirap ang hinaharap mo ngayon, dapat ay gawin mo ang lahat para hindi sukuan ito. Tatagan mo lang ang iyong loob.
Love:
Couples: May matatanggap kang advice mula sa iyong partner. Kahit hindi mo man ito magustuhan, dapat ay sundin mo pa rin ito.
Money/Career:
Blessed ka ngayon dahil may taong nagdarasal para sa ikabubuti mo. Matutong magpasalamat.
Lucky color: Cream
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magkakaroon ka ng malaking chance na kumita ng malaking pera ngayong araw. Kaya naman gawin mo ang lahat para hindi mo ito magastos kaagad.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magconcentrate sa iyong career at dapat ay naglalaan ka ng oras para sa iyong pamilya.
Money/Career:
Magkakaroon ka ng lakas para matapos mo ang mga bagay na iuutos sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mo lang maging mas masipag para mabilis kang maging successful sa buhay. Kaya mo iyan, tiwala lang.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo ulit ang iyong ex, at kung gugustuhin mo, maaari kayong magkabalikan kung available pa siya.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para magpasikat ka sa iyong trabaho. Gawin mo ang lahat para mapansin ka ng iyong boss.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13