Close Menu
  • Home
  • Ratings
  • Showbiz News
  • Horoscope
  • Tech Jungle
  • BRAND NEWS
  • Movies
  • Music
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV
What's Hot

‘That broke me to a million pieces…’ Alden Richards reflects on personal struggles during his lowest year

May 23, 2025

RS Francisco leads premiere of ‘Faney’ (The Fan): A loving tribute to Nora Aunor

May 23, 2025

Robi Domingo’s proven track record promises success for ‘Idol Kids Philippines’ despite criticism

May 23, 2025
Facebook X (Twitter) Instagram
Facebook X (Twitter) Instagram YouTube TikTok
LionhearTVLionhearTV
  • Home
  • Ratings
  • Showbiz News
  • Horoscope
  • Tech Jungle
  • BRAND NEWS
  • Movies
  • Music
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV
LionhearTVLionhearTV
Home»Uncategorized»Gary Granada VS Kapuso
Uncategorized

Gary Granada VS Kapuso

Mc Richard PaglicawanBy Mc Richard PaglicawanFebruary 3, 20092 Comments9 Mins Read
Share
Facebook Twitter Reddit Pinterest Email
Play this

Gary Granada vs GMA Kapuso by dosomethingworthwhile

This is a recording of Gary Granada, a Filipino singer-songwriter, airing his complaint about how he was abused by some of the powers-that-be from GMA-7 Network. If you don’t know who Gary Granada is, google him. His songs are both humorous and poignant. And though his songs cater to the common folk, they are accessible, easy to listen to and do not belittle his audience’s intelligence nor taste. He is a BIG DEAL. So, for GMA execs to do this to him is an even BIGGER DEAL.

source


This is the TRANSCRIPT:

Magandang araw po, ang pangalan ko po ay Gary Granada. Ako po ay isang song writer o composer at ang hanap-buhay ko ay gumawa ng mga jingles.

Kung kaya ako ay kinomisyon ng GMA Kapuso Foundation na gumawa ng jingle para sa kampanyang Tripid Handog Edukasyon ng Proctor and Gamble. Gaya ng nakasanayan sa advertising industry binigyan nila ako ng lyrics, which I’m supposed to set to music, na dapat ang haba ay sixty seconds. Eto po yung binigay nila:

Kung may lapis kaya kong isulat ang aking mga pangarap
Kung may krayola kaya kong iguhit ang aking kinabukasan
Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan aking makakamtan
Sa tulong mo edukasyon ko tuloy-tuloy na magagampan
Ang aking pagpupursigi hindi masasayang dahil nandiyan ka
katulong ko sa bawat hakbang

Tapos may voice over, tapos kanta ulit.

Sa handog edukasyon magandang kinabukasan aking makakamtan.

Obviously kailangang ayusin o i-edit ito para tumugma duon sa music. Ang proseso ay ganito. Anumang revisions na gawin ko ay dapat may approval ng client. And after several revisions, ito na yung huli kong sinubmit na study.

Kung may lapis kaya kong isulat ang pangarap
Kung may krayola kaya kong iguhit ang bukas
Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan aking makakamtan
Sa tulong mo pag-aaral ko magagampanan
Ang pagpupunyagi di masasayang

Sa Tripid Handog Edukasyon at GMA Kapuso Foundation, kaya mo ring tumulong. Sa bawat tripid na bibilhin mo, makakatulong kang magbigay ng school supplies sa isang bata.

Sa handog edukasyon magandang kinabukasan
Aking makakamtan

Hanapin ang tripid sa mga brands na ito.

Mangyari ito ay hindi pumasa at pinagawa na lang sa ibang composer. At ito naman yung lumabas na brinoadcast sa GMA network.

Kung may lapis kaya kong isulat ang pangarap
Kung may krayola kaya kong iguhit ang bukas
Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan
aking makakamtan
Sa tulong mo pag-aaral ko magagampan
Ang pagpupunyagi di masasayang

Sa Tripid Handog Edukasyon at GMA Kapuso Foundation, kaya mo ring tumulong. Sa bawat tripid na bibilhin mo, makakatulong kang magbigay ng school supplies sa isang bata.

Sa handog edukasyon magandang kinabukasan
Aking makakamtan…

Hanapin ang tripid sa mga brands na ito.

Obviously, ginamit nila yung edited lyrics batay sa pagkasukat ko. Pero hindi lang po yun ang isyu. Bukod sa lyrics, ginamit din nilang tuntungan ang musical structure na ginawa ko. At ipapaliwanag ko sa inyo kung paano.

Ang musicial composition ay may tatlong basic elements.

Una, ay yung tono. Halimbawa, sa A-B-C-D-E-F-G, ang tono ay, DO-DO-SOL-SOL-LA-LA-SOL. Ngayon, kung gagawa ka ng kantang, ABCDEFG na ganito, A-B-C-D-E-F-G, o, SO-LA-TI-DO-TI-LA-SOL. Hindi mo ngayon yun completely original na creation dahil sinakyan mo lang ang pinagpaguran ng iba. At nagiging madaling gawin, precisely because, sinukat na yung piyesa nung gumawa nung original.

Ang ikalawang element ay tinatawag na balor ng mga nota. Halimbawa, ang mga nota ng DO-DO-SOL-SOL-LA-LA-SOL, ay anim na magkasunod na quarter notes at isang half note. Iba po yun kaysa halimbawa apat na magkasunod na eight notes, isang dotted quarter note, isang eight note ulit at isang half note na ganito naman, DO-DO-SOL-SOL-LA-LA-SOL.

And finally ang ikatlong element ng musical composition ay ang harmonic logic. Sa lay persons term ay yun yun kung saan dumadaan ang chords at kung kailan lumilipat. Halimbawa, ang A-B-C-D-E-F-G, ay C papuntang F tapos balik sa C. Hindi magwo-work yung ilalagay mo yung F sa huli. A-B-C-D-E-F-G. Hindi rin magwowork kung, sa A dumaan papuntang D minor, halimbawa, A-B-D-C-E-F-G, pero pwede yung daanan na yun kung ang kantang yun ay, “He– answers prayers”.

At para patunayan ko sa inyo na ginawa nilang tuntungan yung aking komposisyon, kakantahin ko yung jingle sa tono na pinagawa nila sa iba, kasabay nung minus one na study na ginawa ko.

Kung may lapis kaya kong isulat ang pangarap
Kung may krayola kaya kong iguhit ang bukas
Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan
aking makakamtan
Sa tulong mo pag-aaral ko magagampanan
Ang pagpupunyagi di masasayang

Sa Tripid Handog Edukasyon at GMA Kapuso Foundation, kaya mo ring tumulong. Sa bawat tripid na bibilhin mo, makakatulong kang magbigay ng school supplies sa isang bata.

Sa handog edukasyon

mga gamit pampaaralan

aking makakamtan…

Hanapin ang tripid sa mga brands na ito.

Think about it, yung mga parteng may kanta ay mga mga kantang twenty eight na bara yun. Yung probability na magkaruon na magkahawig mula umpisa hanggang dulo ay ganito. Sa bawat bara you have theoritically dozens of possible combinations. Sabihin na lang nating dalawang possibilities na lang per bar. That would be two times two times twenty seven times mong i-(http://foobarph.multiply.com)multiply.

The chances of that coincidence would be one in one hundred thirty four million two hundred seventeen thousand seven hundred twenty eight. At those odds, I think our dog has a better chance of becoming president of god-forsaken country, since they are throwing it to the dogs anyway.

Nagsumbong ako sa FILSCAP, yun po yung Filipino Society of Composers, Authors(http://rllqph.wordpress.com) and Publishers. Nagpadala ito ng sulat sa GMA, tinanong namin kung bakit di nila ginawa yung friendly reminder namin, na kung ipagawa nila sa iba, ang ibigay nila sa gagawa ay yung original nilang lyrics at h’wag gamitin ang ginawa kong study.

At kung napansin ninyong hindi gaanong maganda ang quality ng audio nung jingle na brinodcast nila, ay kasi ni record ko lang yun galing sa TV mismo. Paano kasi, mahigit isang buwan na akong nag re request kahit mp3 man lang nun for reference ay di man lang ako binigyan. Nabanggit din yun sa sulat ng FILSCAP, di man lang sinagot. Napaka-arogante.

Sa halip, ang sagot ng GMA, ay wala akong claim dahil yun daw ginawa ko ay collective effort namin. Siguro parang ganito, halika upo tayo at mag compose tayo collectively. Kung ganun, eh di ibig sabihin pala, kung paano sinukat yung lyrics at music para magkasya sa isang minuto ay collective naming ginawa yun. Yung paano pagtugmahin yung mga letra sa mga nota ay collective naming ginawa yun. Yun kung saan dalhin ang daloy ng harmony ay collective naming ginawa yun. At kung ganun na nga, marami naman palang mga tao sa GMA that can collectively compose. Bakit pa nila ako kinuha? Sa tinagal-tagal ko sa trabahong ito, nuon ko lang maranasan na mag compose collectively.

Maalala ko yung short meeting namin na yun eh, mahaba kasi yung lyrics kaya kailangan pang paiksiin. Halimbawa yung, aking kinabukasan, sabi ko, ok ba sa inyo kung gawin ko na lang bukas, aking kinabukasan, pito, pitong syllables, bukas, dalawa lang. Tatango-tango naman yung iba. Ganun pala mag compose collectively.

Ang hindi nila naiintidihan, kaya ko sinuggest yung bukas kasi concious ako na pasok yun duon sa melody na naiisip ko. At kaya nga naging madali na lang gawan ng ibang tono ng iba, kasi finormat ko na yung original lyrics mo, na magiging singable at musical. Hindi na lang yun prose, poetry o freeverse. Ginawa ko nang musical yung metro, bigkas at sukat ng copy mo. Kaya nga ang tawag sa inyo ay copywriter, at ang tawag sa akin ay composer. Kasi, babalen-balentungin mo man yang utak mo ng isang milyung beses, hindi mo ma-compose yung lyrics na yun ng ganun.

And you have the ordacity to tell me that my composition is our collective effort. In fairness to you, you have a very imaginative mind. Baka sabihin ngayon ng mga fans ko, sir, I have a collection of your collective compositions.

Seriously, yun pong mag compose ng kanta hindi naman siguro yun basta-basta gawin na lang ng kahit sino. Mas lalo na yung mag compose ka ng exactly sixty seconds na kanta. Pero ang natutuhan ko sa loob ng thirty years, minaliit ng GMA network duon din sa sagot na sulat na pirmado ni Atty. **** Perez na kanilang abugado. Nakalagay po duon.

These changes we’re not made by Mr. Granada alone. One word from Mr. Granada or even three, assuming without admitting, that all changes were made by Mr. Granada does not make the piece his own.

Para akong sinabihan na, aangkinin mo ito eh wala ka namang ginawa liban na palitan ang isang salita.

It did not thirty days to finish that composition. It took me thirty years to hone the skill required to create that composition. Ngayon ipamumukha mo sa akin na ginawa ko lang ay palitan ko ang isang salita. At may nalalaman pa itong mga abugadong ito, na assuming without admitting.

Unang-una po, liwanagin ko lang. Hinding-hindi ko inaangkin yung nilabas nila sa TV. Frankly, ayoko yung mga tono na ganun. Bakit ko naman aangkinin yun? In fact, dahil ayaw ko yung kinalabasan, naiinis pa lalo tuloy na isiping may kinalaman pala ako duon.

Ganun pa man, ang sinasabi ko, hindi sila makakagawa nun, kung hindi nila sinamantala ang aking ginawa. Again, ang kini-claim ko, hindi sila makakagawa nun, hindi man ako nagagandahan duon, o gandang-ganda man sila duon. Hindi nila magagawa yun kung hindi nila sinamantala ang study na gawa ko.

And if we will just let GMA Kapuso Foundation and Proctor and Gamble get away with it, that is like applauding their arrogance and condoning stealing. And to think that GMA as publisher, sits in the board of FILSCAP which protects the writes of composers and lyricist. At may mga anti-piracy anti-piracy ka pa minsang kampanyang napapalabas sa GMA.

Kung hahayaan natin ito, what is now stopping anyone from commissioning artists in general to make studies only to reject them, make easily done modifications out of their hard work and pass them of as entirely new creation all together?

Ninakawan mo na yung mangagawa sa pinagpaguran niya, dinuro-duro mo pa na wala siyang claim dahil wala naman siyang ginawang significant.

Ha… *sigh*

Which makes me wonder? Saan napunta ngayon yung puso sa GMA Kapuso Founcation?

Kung sa tingin po ninyo ay tama lang na ipaglaban ito, malaking tulong kung makakagawa kayo ng statements of support. Mahalaga rin na makakalap ng mga opinyon ng mga dalubhasa kung kayo ay nasa literature department o creative writing center ng iyong university o college of music, your expert opinion will help a lot.

Kung kayo ay composer, lyricist, writer o artists in general. Please send us your comments. Kung kayo ay abugado na dalubhasa sa mga ganitong bagay at sa tingin ninyo ay lehitimong grievance ito, please send us your views.




Paki email lamang po sa garygranada@yahoo.com.Thank you very much for your time.

Comments

Gary Granada Issues Versus
Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Reddit Email
Previous ArticleSTATUS : A Valentine’s Night With The Scholars
Next Article Mega Manila TV Ratings : Monday February 2, 2009
Mc Richard Paglicawan
  • Website
  • Facebook
  • X (Twitter)
  • Instagram

LionhearTV has always believed in what the everyday reader can contribute, and has always been open to receiving input, help, or leads on stories.

Related Posts

Shanaya Patel ‘Placed To Soar’

January 27, 2024

BingoPlus, ArenaPlus bring exceptional fun and entertainment to MassKara Festival 2023

November 9, 2023

2023 Pinoy Playlist Music Festival

September 14, 2023

Cesca teams up with Mikki of BGYO in ‘What If’ Music Video

May 10, 2023
View 2 Comments

2 Comments



  1. Jologs on February 3, 2009 8:46 am

    Nagbigay na pala ng statement ang GMA about this,pinagpipilitan nilang hindi work ni Mr. Granada yon because he was provided with the lyrics by GMA and he only changed one line, from kinabukasan to bukas which he did to fit the song into a one-minute jingle. Hindi naman yon ang issue ni Mr. Granada, yong melody na ginawa nya ang kinuha ng GMA dahil swak na swak sa ginawa nya. Sinabi nya sa kanila when his work was rejected na wag ibigay ang study tape ng gawa nya sa bagong composer para he could start from scratch also at walang gayahan na mangyari. Mukhang hindi ganon ang nangyari. He is not claiming that the lyrics was his, he just said that the new composer based his work on his melody which is not fair. And when he approached the GMA people he said that they were arrogant in dealing with him.

    Sa 30 years ni Mr. Granada in the business hindi naman sya aalma kung walang foul na nangyari.

    Reply
  2. GMA 7 on February 15, 2009 2:36 am

    GMA, pumalag kay Gary Granada
    Abante Tonite

    IPINAGAWA lamang ng GMA Marketing and Productions, Inc. (GMPI), ang marketing arm ng GMA Network, ang jingle na ginamit sa TRIPID HANDOG EDUKASYON campaign nito.

    Ito ang pinaninindigan ng GMA Network sa harap ng kabi-kabilang paninira at atakeng ibi*nabato rito sa isyu ng kontrobersyal na campaign jingle.

    Ayon sa isang audio file na inilabas ng composer na si Gary Granada kamakailan, ginamit diumano ng GMA Network ang kanyang study upang magawa ang approved jingle ng nasabing campaign.

    Isa itong kasinungalingan. Unang kinomisyon ng GMPI si Granada upang isulat ang me*lody ng TRIPID jingle, at nanggaling sa GMPI ang original na lyrics nito.

    Hindi nagustuhan ng GMPI at ng kliyente nito para sa nasabing campaign ang study ni Granada.
    Tumanggi si Granada na gumawa ng iba pang version. Dahil dito, kinailangang kumuha ng GMPI ng panibagong songwriter — si Charo Unite — upang gawin ang melody ng jingle nang ayon sa kagustuhan ng kliyente nito. Nagsimulang umere ang TRI*PID HANDOG EDUKASYON campaign noong Disyembre 2008.

    Hindi GMA Network ang gumawa ng musika o melody ng jingle kundi si Unite kaya kung ang inirereklamo ni Granada ay infringement o exploitation ng kanyang study, dapat ay ang composer ng jingle ang hinahabol niya.

    Ngunit hindi raw si Unite ang isyu, ayon kay Granada. Paanong hindi si Unite ang isyu kung infringement ang inirereklamo ni Granada?

    Dapat maintindihan ni Granada na hindi pwedeng maging infringer ang GMA dahil hindi naman ito ang gumawa ng jingle.

    Sa panig ni Unite, napakinggan lang niya ang study ni Granada pagkatapos niyang maibi*gay ang version niya ng jingle.

    Dahil dito, hindi maaaring nagamit ni Unite ang study ni Granada upang gawin ang version niya.

    Malinaw ang pagkakaroon ng malisya ng paulit-ulit na paninira ni Granada laban sa GMA Network.
    Kung magpapatuloy pa ito ay mapipilitan ang network na magsampa ng kaukulang kaso laban kay Granada.

    Umasa ang GMA Network na magsasagawa ng formal inquiry ang Filipino Society of Compo*sers, Authors and Publishers, Inc. (FILSCAP) lalo pa’t miyembro rin nito ang pangalawang composer na si Unite, at pagkatapos ng formal investigation nito ay saka ito maglalabas ng kaukulang penalty sa nagkamali nitong miyembro, kung mayroon man.

    Reply
Reply To Jologs Cancel Reply

Find us on Facebook
Blogmeter.Top



Trending

Why ‘Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition’ Might Be the Franchise’s Finest Season Yet

May 22, 2025

2025 Midterm Elections: An Eye-Opener for Celebrities Entering Politics and Voters

May 20, 2025

Christopher Diwata: From Viral Meme to Heartwarming Hero

May 20, 2025

ABS-CBN halves net loss in Q1 2025 amid election boost and BINI success

May 17, 2025

OFFICIAL STATEMENT: Fraudulent Use of LionhearTV’s name in Online Scams

May 14, 2025
Showbiz News

‘That broke me to a million pieces…’ Alden Richards reflects on personal struggles during his lowest year

May 23, 2025

RS Francisco leads premiere of ‘Faney’ (The Fan): A loving tribute to Nora Aunor

May 23, 2025

Robi Domingo’s proven track record promises success for ‘Idol Kids Philippines’ despite criticism

May 23, 2025

Anne Curtis alarmed over alleged deforestation in Sierra Madre

May 23, 2025

‘Lilo & Stitch’ (2025) Review: A Nostalgic Reimagining with Heart, Humor, and a Few Bumps Along the Way

May 22, 2025
Most Viewed

‘That broke me to a million pieces…’ Alden Richards reflects on personal struggles during his lowest year

May 23, 2025

RS Francisco leads premiere of ‘Faney’ (The Fan): A loving tribute to Nora Aunor

May 23, 2025

Robi Domingo’s proven track record promises success for ‘Idol Kids Philippines’ despite criticism

May 23, 2025

Anne Curtis alarmed over alleged deforestation in Sierra Madre

May 23, 2025

Austin Butler is on the run in Darren Aronofsky’s new comedy crime thriller ‘Caught Stealing’. Trailer out now

May 23, 2025
eMVP Digital is an online empire that useful pieces of information and a resource for a daily dose of entertainment in all forms. It produces LionhearTV.net, Dailypedia.net, RAWR Awards, RAWRMag, DailyPIPOL, and Broken Lion. These platforms have a highly-engaged audience per month, which varies from ages and sexes.



Blogmeter.Top
© 2025 LionhearTV.net.
  • Home
  • Ratings
  • Showbiz News
  • Horoscope
  • Tech Jungle
  • BRAND NEWS
  • Movies
  • Music
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.