Marami ang nakakapansin sa muling pagbabawas timbang ni Dingdong Dantes. ‘Yun pala ay naghahanda ito para sa kanilang bagong serye nila ni Rhian Ramos. Bale ito na ang balik-tambalan nila mula nang magtambal sila sa “Stairway to Heaven”.
“So pinaghahandaan ko yun,” sinabi ni Dingdong sa isang interview. Mukha kasing mapapadalas na namang makita na shirtless si Dingdong sa TV sa kanyang magiging bagong seryer kaya ganito ang mga paghahanda niya.

