Aries (Mar 21 – Apr 19)
Okay lang naman na magsaya ka, pero dapat ay tapusin mo muna ang mga bagay na inutos sa iyo para hindi ka mapagalitan.
Love:
Singles and Couples: Kahit na gaano pa kayo ka-busy, dapat ay siguraduhin ninyong naglalaan kayo ng sapat na oras sa inyong pamilya.
Money/Career:
Maging aware ka sa mga ginagawa ng mga tao sa iyong paligid para madali mong malaman kung tama o mali ang kanilang ginagawa.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung nangako ka sa isang tao na pupunta ka, tuparin mo ito. Hindi ito ang tamang panahon para tamarin ka.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para bigyan mo ang ibang tao ng second chance. Wala naman taong perfect kaya huwag mo na masyadong pahirapan pa.
Money/Career:
Kung humingi ka ng advice sa iba, dapat ay sundin mo ito para hindi masayang ang effort nila.
Lucky color: Red
Lucky number: 30
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maging totoo ka sa iyong sarili. Kung hindi mo gusto ang isang bagay, sabihin mo ito para hindi ka napipilitan.
Love:
Couples: Huwag maging masyadong seryoso sa inyong relasyon. Magrelax naman kayo at i-enjoy lang ang mga oras na magkasama kayo.
Money/Career:
Kahit na seryoso ka sa iyong trabaho, hindi mo naman nakakalimutan na tumawa paminsan-minsan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na may taong bumisita sa iyo ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang ipaghanda siya.
Love:
Couples: Hindi naman lahat ng bagay ay dapat alamin mo sa iyong partner. Bigyan mo siya ng space kundi masasakal lang siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para ayusin mo ang isang problema na nagdudulot sa iyo ng sakit sa ulo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kahit na busy ka, nagkakaroon ka pa rin ng time para tulungan ang ibang tao. Kaya naman hindi nakakapagtaka na blessed ka.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner ngayong araw dahil may malaking chance na maging pasaway siya.
Money/Career:
Huwag ka mainggit sa achievements ng iyong mga kasama. Gawin mo kasi ang best mo para hindi ka napag-iiwanan.
Lucky color: Black
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magcommit ka sa mga bagay na talagang gusto mong gawin, kahit na maraming tao ang hindi pabor sa iyong ginagawa.
Love:
Singles and Couples: Ito na ang tamang panahon para maglaan ka ng sapat na oras sa iyong pamilya. Huwag laging trabaho ang dapat iniisip mo.
Money/Career:
Huwag kang tatanggap ng isang gawain na sa tingin mo ay hindi mo naman kaya.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung gusto mong mag-invest sa isang bagay, ito na ang tamang panahon para rito. Ingatan mo rin ang iyong sarili dahil may chance na magkasakit ka ngayong araw.
Love:
Singles: May tao kang nagugustuhan pero mukhang gusto rin siya ng iyong kaibigan. Patunayan mo sa kanya na mas karapat-dapat ka.
Money/Career:
Makipag-usap ka sa mga taong may experience na para naman mas lumawak pa ang iyong kaalaman.
Lucky color: Cream
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung tinutulungan ka ng ibang tao, dapat ay marunong ka ring tumulong sa iba. Hindi ito ang tamang panahon para maging madamot ka.
Love:
Couples: Kung hindi pa handa ang inyong pamilya sa inyong gagawin, marahil ay huwag ninyo na muna itong ituloy.
Money/Career:
Kung hindi mo kaya ang iyong mga gawain, mas mabuti kung hihingi ka ng tulong sa iba. Hindi mo dapat ito ikahiya.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Okay lang naman na tawanan mo ang iyong mga problema, pero dapat nag-iisip ka rin kung paano ito masosolusyunan.
Love:
Singles: Mukhang nahuhulog na ang iyong loob sa isa sa iyong mga kaibigan. Okay lang na kiligin, pero huwag masyadong pahalata.
Money/Career:
Mawawala ka sa focus ngayong araw kaya naman may malaking chance na hindi ka maging productive.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para gumawa ka ng isang mabigat na desisyon dahil may chance na magkamali ka.
Love:
Singles: Kung gusto mong makahanap ng partner, subukan mong magtanong sa iyong mga magulang kung may kakilala sila na pwede mong magustuhan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung ibinigay mo talaga ang lahat ng iyong effort sa isang bagay, magiging maganda ang resulta nito.
Love:
Singles: Okay lang na maging mahiyain ka. At least, magiging misteryoso ka sa paningin ng ibang tao at may ilan sa kanila ang gusto iyon.
Money/Career:
May malaking chance na madistract ka sa iyong trabaho kaya naman marami kang gawain na hindi matatapos.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Bago ka umaksyon, pagplanuhan mo muna itong mabuti. Masasayang lang ang oras at pagod mo sa isang bagay na hindi mo naman talaga pinaghandaan.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti nang nawawala ang pagkagusto mo sa isang tao. Pero huwag kang mag-alala dahil siguradong may tao na darating para sa iyo.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may matanggap kang good news tungkol sa iyong trabaho ngayong araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 2

