Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung merong bagay na bumabagabag sa iyo, hindi mo kailangang magpanic dahil sigurado naman na may maiisip ka ring solusyon para rito.
Love:
Couples: May malaking chance na may ibang tao na gustong sumira sa inyong relasyon. Maging matatag dapat kayong dalawa.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, maiimpluwensyahan ka ng malaki ng iyong mga kaibigan.
Lucky color: Brown
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may posibilidad na magkaroon kayo ng problema ngayong araw at may chance din na may kinalaman dito ang iyong kamag-anak.
Love:
Singles: Kung hindi ka niya talaga gusto, huwag mo na itong ipilit pa. Humanap ka na lang ng iba.
Money/Career:
Kung merong job offer sa iyo, tanggapin mo na ito kaagad lalo na kung galing ito sa iyong kaibigan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magaling ka sa isang bagay at kung pagtutuunan mo ito ng pansin, maaari mo itong pagkakitaan ng malaki.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo pero hindi pa siya nagpaparamdam. Magmasid-masid ka sa iyong paligid.
Money/Career:
Okay lang naman na gumastos ka, basta make sure lang na merong matitira sa iyo pagkatapos.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Hindi porke maganda ang inoffer sa iyo ay tatanggapin mo na agad ito. Mag-isip ka muna at baka modus lang iyan.
Love:
Singles: Huwag kang magpadikta sa ibang tao. Gawin mo ang mga bagay kung kailan ka handa at huwag masyadong magpastress sa kanila.
Money/Career:
Kung gusto mo talagang maging successful sa buhay, dapat ay meron kang motivation para mangyari ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung meron kang problema, may malaking posibilidad na ang sagot dito ay nasa iyong harapan na. Masyado ka lang nag-iisip kaya ka naiistress.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng pagmamahal galing sa iba, dapat ay marunong ka ring mahalin ang iyong sarili.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong trabaho, may malaking chance na mawalan ka ng interes dito at magresign ka.
Lucky color: Silver
Lucky number: 28
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Subukan mo ang iyong swerte sa araw na ito. Pumunta ka sa mga perya o kaya’y tumaya sa lotto at maaaring maging maganda ang kapalaran mo.
Love:
Singles: Mukhang malapit mo na makilala ang taong nakatadhana para sa iyo. Huwag ka lang maging masyadong choosy.
Money/Career:
Okay lang naman na magpahinga ka, basta dapat ay tapos mo na ang iyong mga gawain para wala ka ng ibang iniisip.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Madali mong masabi ang maaaring mangyari. Mukhang malaki ang chance na tumama ka rin sa iyong mga hinala at kutob.
Love:
Couples: Mukhang may problemang paparating sa inyong relasyon, kaya naman dapat ay may tiwala kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Okay ang ginagawa mo sa iyong trabaho, kailangan mo na lang maging consistent dito.
Lucky color: Green
Lucky number: 7
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Panahon na para simulan mo ang isang bagay na matagal mo na dapat ginawa. Hindi ito ang tamang oras para maging tamad ka.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Sorpresahin mo siya at maglaan ka ng oras sa kanya.
Money/Career:
Mukhang may chance na makapag-abroad ka dahil sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong iwasan ang iyong mga gawain. Umpisahan mo na ang mga ito kaagad para maaga ka ring makatapos.
Love:
Singles: Kung may mga nakikipagflirt sa iyo, mas mabuting huwag silang seryosohin dahil mukhang bored lang sila.
Money/Career:
May malaking chance na mastress ka ngayong araw lalo na kung tambak ang iyong mga gawain.
Lucky color: Brown
Lucky number: 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Tanggapin mo ang iyong mga pagkakamali. Okay lang iyan. Kailangan mo na lang matuto at mangako na hindi mo na ito uulitin pa.
Love:
Singles: Mukhang type mo siya, pero mag-ingat ka lang dahil baka hindi mo kayanin ang topak niya.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting huwag ka na muna magtrabaho ngayong araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring maguluhan ka ngayong araw, kaya naman to the rescue ulit sa iyo ang isa sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Okay lang naman na may privacy kayong dalawa, pero may mga issue na dapat pinag-uusapan at hindi iniiwasan.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng isang magandang advice ngayong araw, kaya naman hindi ka na mahihirapan gumawa ng desisyon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Hindi ito ang tamang panahon para gumimik ka. Mas mabuting sa bahay ka na lamang para makaiwas ka sa gastos.
Love:
Couples: Maaaring naiistress na masyado ang iyong partner, kaya naman habaan mo na lang ang iyong pasensiya at huwag na siya kulitin.
Money/Career:
Okay lang naman na maging masipag ka sa iyong trabaho. Umiwas ka na lamang sa mga taong pinag-iisipan ka ng masama at sinasabing sipsip ka.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1

