Aries (Mar 21 – Apr 19)
Marami man ang iyong problema, tandaan mo na kaya mo itong solusyunan kung magiging disiplinado ka lamang.
Love:
Couples: Maging positive ka lang kahit na medyo tagilid ang inyong relasyon ng iyong partner. Magiging maayos din ang lahat.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 7
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi ito ang oras para magdalawang-isip ka pa. Gawin mo na agad ang isang bagay bago pa mahuli ang lahat.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magtampo sa iyong partner. Maaaring ginawa niya lang iyon para sa iyong kabutihan.
Money/Career:
Kahit na maganda naman ang takbo ng iyong career, hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng opportunities sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka basta-basta magtiwala sa mga taong ngayon mo lang nakilala. Maging maingat ka sa tuwing kasama mo sila.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na pumasok sa isang relasyon. Tandaan mo lang na hindi maiiwasan na magkaroon ka ng mga problemang haharapin.
Money/Career:
Kahit na nasa trabaho ka, mas gusto mong magpahinga na lamang sa bahay.
Lucky color: Green
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magiging maganda naman ang takbo ng iyong araw. Mag-ingat ka lamang sa mga taong makakasama mo.
Love:
Couples: Kung medyo bored ka na sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para ikaw ay gumawa ng paraan tungkol dito.
Money/Career:
Huwag ka masyadong atat. Magiging successful ka rin pagdating ng panahon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may problemang hinaharap ang iyong pamilya, kaya naman mas mabuti kung huwag ka muna maging pasaway.
Love:
Couples: Habaan mo ang pasensiya mo sa iyong partner. Kung talagang makulit siya, pagsabihan mo muna siya.
Money/Career:
Alamin mo kung ano ang kailangan ng iyong mga kasama at kunin mo ito para ibigay sa kanila.
Lucky color: Black
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Gawin mo ang mga bagay na sa tingin mo ay tama. Hayaan mo muna ang mga tao sa iyong paligid at makinig ka sa iyong sarili.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpresahin mo ang iyong partner. Maging romantic ka sa kanya para naman gumanda ang mood niya.
Money/Career:
Huwag ka masyadong mainis kung hindi maganda ang nangyayari sa iyong trabaho. Kumalma ka lang dahil hindi makakatulong ang pagiging mainitin ng iyong ulo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 13
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magiging demanding ang araw na ito para sa iyo, kaya hindi ka pwedeng magpabagal-bagal kung ayaw mong matambakan ng gagawin.
Love:
Couples: Kung magpapaapekto ka sa stress na dulot ng trabaho, maaaring magkaroon ito ng negative effect sa iyong relasyon.
Money/Career:
Kung kaya mo namang tumulong sa ibang tao, huwag mo itong ipagdamot sa kanila.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang planong bumili ng bahay o kaya’y magrenovate, ito na ang tamang panahon para gawin ito.
Love:
Singles: Para magkaroon ka ng mas magandang relasyon, dapat ay marunong kang i-let go ang mga bagay na nagpapahirap sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon na ng solusyon ang isang problema na nagpapasakit ng ulo mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kailangan mo munang magtiwala sa isang tao, lalo na kung siya lang ang makakagawa ng gusto mo. Huwag ka ring maiinip.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. I-treat mo siya sa labas o kaya’y mamasyal kayo sa parke.
Money/Career:
Kung sanay ka na sa mga problema sa iyong trabaho, madali kang makakamove-on at hindi na rin sasakit masyado ang iyong ulo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 30
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Marami ka ngang kaibigan, pero hindi naman lahat sila ay tunay mong maaasahan. Kaya naman pahalagahan mo ang mga taong nandiyan para sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang may matatanggap kang good news mula sa iyong partner. May chance din na regaluhan ka niya dahil dito.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng exam kamakailan, may malaking chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maging confident ka sa iyong mga gawain, lalo na kung ibinuhos mo ang lahat ng iyong effort para magawa lamang ang mga ito.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong magpressure sa sinasabi ng ibang tao. I-enjoy mo lang ang buhay mo.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong mga gawain, lalo na kung ayaw mong magkamali at mapagalitan dahil dito.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung medyo nalilito ka sa mga bagay na dapat mong gawin, makinig ka muna sa iyong konsensiya at gawin kung ano sa tingin mo ang tama.
Love:
Couples: Mukhang going strong ang inyong relasyon. Kaya naman hindi na magtataka ang ibang tao kung magpakasal kayo one day.
Money/Career:
Mag-isip ka ng bagong diskarte kung paano mo mapapadali ang iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 27

