in ,

Daily Horoscope: March 12, 2018 – Monday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka na munang makialam sa problema ng ibang tao dahil may malaking chance na mapalala mo pa ito.
Love:
Couples: Kung feeling mo ay siya na talaga ang taong nakalaan para sa iyo, pwedeng-pwede na kayong magpakasal kung handa na kayo.
Money/Career:
May taong tutulong sa iyo ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17

Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magiging energetic ka ngayong araw kaya naman magagawa mong tapusin nang maaga ang iyong mga gawain.
Love:
Singles: Mukhang kailangan mong ibahin ang iyong diskarte para naman mapansin ka ng taong gusto mo.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng good news sa iyong trabaho at may kinalaman ito sa pera.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17

Gemini (May 21 – Jun 20)
Maging consistent ka lang sa iyong mga gawain at tiyak naman na magtatagumpay ka. Huwag mo lang kalimutang alagaan ang iyong sarili.
Love:
Couples: Kung kayo ay may anak na, mas mabuting maglaan sa kanya ng maraming oras lalo na kung palagi na lamang kayong busy sa trabaho.
Money/Career:
Kahit na pakonti-konti ang bili mo, kung hindi mo rin nagagamit ang mga binibili mo, wala ka ring natitipid.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 19

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Gamitin mo ang iyong experiences para lalo mo pang mapadali ang iyong trabaho. Humingi ka rin ng tips sa iba.
Love:
Singles: Huwag ka mawalan ng pag-asa. Darating din siya at tiyak na matutuwa ka oras na dumating na siya.
Money/Career:
Mukhang magagawa mo na solusyunan ang isang problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 5

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, mas makakabuti sa iyo kung susundin mo kung ano ang feeling mo ang tama.
Love:
Couples: Okay lang naman na magtalo kayo ng partner mo, basta ba gumagawa kayo ng paraan para magkaayos kayo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung mabilis kang husgahan ng mga tao, mas mabuti kung ilalayo mo na lang ang sarili mo sa kanila.
Love:
Singles: Magmove on ka na sa crush mo lalo na kung wala na talagang pag-asa na mapansin ka niya. Marami ka pa namang ibang crush eh.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng job interview kamakailan, may malaking chance na makatanggap ka ng good news tungkol rito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 10

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maging honest ka sa sarili mo. Kung hindi mo talaga gusto ang isang bagay, huwag mo hayaang pilitin ka ng ibang tao tungkol dito.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner. Huwag kang masyadong mag-alala dahil mukhang good news naman ito.
Money/Career:
Mukhang makakatanggap ka ng isang magandang assignment at chance mo na para mapakita sa kanila ang iyong galing.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging maganda ang araw na ito para sa iyo. Dahil sa iyong charming na personality, madali mong mapapasunod ang iba sa iyong kagustuhan.
Love:
Couples: Maging malambing ka sa iyong partner ngayong araw. Maaaring magulat siya rito pero magugustuhan naman niya.
Money/Career:
Dapat ay kilalanin mong mabuti ang iyong boss para mahuli mo ang kanyang kiliti.
Lucky color: Gold
Lucky number: 2

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magrelax ka lang. Kahit na bagay na nagpapa-init ng ulo mo, isipin mo na lang na lilipas din ito para hindi na masira ang mood mo.
Love:
Couples: Mukhang magiging stable naman ang takbo ng inyong pagsasama. Maging consistent na lamang kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang iyong career lalo na kung tutulong ka sa mga charity.
Lucky color: Purple
Lucky number: 18

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Para hindi ka mahirapan, subukan mong ipagawa sa ibang tao ang ilan sa iyong mga gawain. Huwag mong kalimutang ilibre sila pagkatapos.
Love:
Couples: Huwag mong balewalain ang iyong partner. Palagi ka naman niyang sinusuportahan kaya naman ibalik mo ito sa kanya.
Money/Career:
Mukhang maganda ang araw na ito para simulan mo ang isang bagay na dapat ay dati mo pa nagawa.
Lucky color: White
Lucky number: 21

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may ibibigay sa iyo na dagdag na trabaho pero mukhang magagawa mo naman ang mga ito nang walang problema.
Love:
Couples: May malaking chance na sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw. Maghanda ka para sa mga regalong matatanggap mo.
Money/Career:
Kung may natanggap kang job offer, pag-isipan mo muna ito lalo na kung malayo ang location nito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 9

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mas mabuting sundin mo muna ang sinasabi ng iyong kutob at may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Kung maganda naman ang pagsasama ninyo, ipagpatuloy ninyo lang ito. Pero kung lagi ka na lamang nasasaktan, mas mabuting itigil na ito.
Money/Career:
Huwag kang magpapatalo sa iyong mga kalaban. Galingan mo para hindi ka nila malamangan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 16

Comments

Geoff Eigenmann chooses to be ‘fit’ while he stars GMA Network’s ‘Contessa’

GMA Network Executives remain mum over John Estrada’s network transfer rumor