Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang magiging ok naman ang araw mo ngayon. Hindi ka masyadong magiging busy kaya naman makakapagrelax ka.
Love:
Singles: Kung meron kang nakaalitan, maganda ang araw na ito para makipagkita sa kanya para makipag-ayos.
Money/Career:
Umiwas ka sa mga taong negative. Hindi sila makakatulong para maging productive ka.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka masyadong mag-alala dahil kung pinag-isipan mong mabuti ang iyong desisyon, tiyak na may maganda itong idudulot sa iyo.
Love:
Couples: Handa ka na bang i-level up ang inyong relasyon? Kung oo, mas mabuti kung ikaw na mismo ang unang kikilos.
Money/Career:
Kung may gustong tumulong sa iyo, alamin mo muna kung maniningil ba siya sa huli o hindi.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magtiwala ka muna sa sinasabi ng iyong mga kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Kung gusto mong magkaroon ng pagbabago sa inyong relasyon, dapat ikaw na ang unang gumawa ng hakbang tungkol dito.
Money/Career:
Maaaring lumipat ka ng opisina sa mga susunod na araw o kaya’y tuluyang lumipat ka na sa ibang company.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mo ng tulong at kung mare-realize mo ito nang maaga, mas madali kang matutulungan ng ibang tao.
Love:
Couples: May malaking chance na pumalpak ang isang event na pupuntahan ng iyong partner. Kaya mag-isip ka ng bagay para sumaya siya.
Money/Career:
Kung nag-apply ka ng trabaho kamakailan, may good news na paparating sa iyo this week.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Hindi ito ang panahon para maging tamad ka. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos- kilos ka.
Love:
Singles: Huwag mong hayaang multuhin ka pa rin ng iyong nakaraan. Matutong maglet go para naman maka-move on ka na.
Money/Career:
Napakacharming ng iyong personality kaya naman masaya ka katrabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung wala ka namang plano this weekend, subukan mong yayain ang iyong pamilya na gumala sa isang malamig na lugar.
Love:
Couples: Kung may gusto kang tanungin sa iyong partner, dahan-dahanin mo ito para naman hindi siya mabigla.
Money/Career:
Huwag mong ipagyabang ang isang bagay na hindi mo pa naman nakukuha.
Lucky color: Orange
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang mapipilitan kang gumawa ng desisyon ngayong araw lalo na kung gigipitin ka ng isang tao.
Love:
Singles: Subukan mong patawanin ang taong nagugustuhan mo para naman ma-good vibes siya sa iyo.
Money/Career:
Okay lang na maging masipag sa trabaho, pero makakatulong din sa career mo kung meron kang mga koneksyon.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may biglang iuutos sa iyo ngayong araw, pero kung magagawa mo ito, tiyak na marami ang matutuwa sa iyo.
Love:
Couples: Magrelax ka muna. Huwag mong ipressure ang iyong sarili dahil wala ka namang dapat ipangamba.
Money/Career:
Kung kulang ka sa budget, gamitin mo ang iyong utak para dumiskarte.
Lucky color: Red
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang gagana nang mabuti ang iyong isip ngayong araw kaya naman hindi ka na masyadong maloloko ng ibang tao basta-basta.
Love:
Couples: Kung wala sa rason ang iyong partner, sabihin mo ito sa kanya para naman matauhan siya sa kanyang ginagawa.
Money/Career:
Kahit na nagsasaya ka, hindi mo naman pinapabayaan ang iyong trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka muna magpautang ng pera sa kahit na sino ngayong araw dahil may malaking chance na tatakasan ka lang nila.
Love:
Couples: Mukhang magiging active ang love life mo ngayong araw, lalo na kung gustong bumawi ng partner mo sa iyo.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan kang tapusin ang iyong mga trabaho lalo na kung pinapahirapan ka talaga ng iyong boss.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, kaya naman sasakit na naman ang ulo ng mga tao sa iyong paligid.
Love:
Couples: Huwag ka na magalit sa iyong partner. Hindi naman niya sinasadya ang kaniyang nagawa kaya pagbigyan mo na lang siya.
Money/Career:
May malaking chance na makatanggap ka ng good news ngayong araw na tungkol sa iyong trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka kaagad sumuko. Subukan mo muna ito dahil kung susuko ka kaagad, tiyak na talo ka na sa simula pa lang.
Love:
Couples: Kung gusto mong sorpresahin ang iyong partner, magplan ka ng isang malaking party para sa kanya.
Money/Career:
Kahit na kaya mo namang tapusin ang iyong mga gawain, tatamarin ka pa rin na gawin ang mga ito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 24