Daily Horoscope: April 17, 2018 – Tuesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang problema sa ngayon, mas makakabuti kung dito ka muna magfofocus para masolusyunan mo ito kaagad.
Love:
Couples: Makipagkulitan ka ngayong araw sa iyong partner, lalo na kung masyado na kayong stressed lately.
Money/Career:
Kukng bibigyan mo ng oras ang iyong career, tiyak na magiging maganda ang future mo rito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 7

Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may problema ka na maiisipan mo ng solusyon ngayong araw, kaya naman marami ang bibilib sa iyo.
Love:
Couples: Bawas-bawasan mo ang pagiging demanding mo sa iyong partner. Marami rin siyang kailangan na gawin kaya naman magbehave ka muna.
Money/Career:
Mukhang may chance na siraan ka sa iyong boss ng isang kasama mo sa trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 25

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi sang-ayon sa iyo ang ibang tao, subukan mong magexplain sa kanila nang maayos para naman maintindihan ka nila.
Love:
Couples: Mukhang may mare-realize ka ngayong araw na tiyak naman na magdudulot ng pagbabago sa inyong relasyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 25

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi ka magkakaroon ng maayos na pahinga, mahihirapan ka talagang ibigay ang best mo sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maitama ninyo ang inyong pagkakamali sa bawat isa. Dapat ay nag-eeffort pa kayo nang husto.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Dahil sa mabilis kang mag-isip, magagawa mong tulungan ang isa sa iyong mga kaibigan at maaaring ilibre ka niya bilang pasasalamat.
Love:
Couples: Huwag ka maghanap ng mali sa inyong relasyon. Dapat ay magconcentrate ka sa mga positive na nangyayari sa inyong dalawa.
Money/Career:
Kung hindi ka makakapagpahinga, tiyak na maaapektuhan ka ng stress dahil sa iyong trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi ka sigurado sa kailangan mong gawin, subukan mong hingin ang opinyon ng iyong mga kaibigan.
Love:
Singles: Kung may problema ang iyong pamilya, ayusin mo muna ito para hindi na sumakit ang iyong ulo.
Money/Career:
Magconcentrate ka muna sa pagtitipid sa ngayon dahil may chance na madelay na naman ang iyong sahod.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag kang susuko sa isang bagay na talagang gusto mo. Dapat ay may motivation ka para tapusin ang sinimulan mo.
Love:
Singles: I-let go mo na ang anumang bagay na pumipigil sa iyo para makapagmove on at makapagbagong buhay ka na.
Money/Career:
Subukan mong mag-take ng risk sa iyong mga desisyon at maaaring maging maganda ang resulta nito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kahit na hectic ang iyong schedule, huwag mong kalimutan na kailangan mo pa ring alagaan ang iyong sarili.
Love:
Singles: Mukhang maraming tao ang umaaligid sa iyo dahil gusto lang nila na maambunan sila ng yaman mo.
Money/Career:
Maaaring swertehin ka sa buhay lalo na kung tutulong ka sa isang charity foundation.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Malaki ang chance na matapos mo ang iyong mga gawain, pero kung sisipagin kang lalo, maaga ka ring matatapos.
Love:
Couples: Dahil sa mga ginagawa ng iyong partner sa iyo, maaaring mairita ka sa kanya at magtampo siya sa iyo.
Money/Career:
Ayusin mo na ang visa mo lalo na kung gusto mo talagang makapag-abroad ngayong taon.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 10

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Bago ka pumayag sa isang kasunduan, siguraduhin mo muna na kaya mo itong panindigan hanggang sa huli.
Love:
Couples: Maghanda ka ng special dinner sa iyong partner para naman makabawi ka sa mga araw na naging busy ka.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka masyadong magpaapekto sa iyong mga emosyon lalo na kung ikaw ay gagawa ng isang mabigat na desisyon.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw at may chance na may mga tao na makapansin nito.
Money/Career:
Mukhang mahaba naman ang pasensiya mo, kaya naman sanay ka na sa mga problema na nararanasan mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang special talent, gawin mo ang lahat para maimprove ito at maishare sa ibang tao.
Love:
Singles: Huwag ka na makialam sa problema ng ibang tao lalo na kung tungkol ito sa isang relasyon.
Money/Career:
Huwag ka munang humingi ng raise sa iyong boss dahil hindi pa ito ang tamang panahon para roon.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope373 horoscope374

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments

image