Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may importante kang gagawin, gumising ka nang maaga at simulan mo ito agad para hindi ka na tamarin.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner ngayong araw. Maaaring mabigla ka sa malalaman mo.
Money/Career:
Kahit na gusto mo magpahinga, marami ka pang mga bagay na dapat asikasuhin. Konting tiis na lang at matatapos din ang mga iyan.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo na masyadong kulitin ang isang tao ngayong araw, dahil may chance na mapikon siya at magalit lang lalo sa iyo.
Love:
Couples: Pag-usapan ninyo ang mga problema sa inyong relasyon. Dapat ay maging honest kayo sa inyong mga sasabihin.
Money/Career:
Kung masyadong marami ang iyong mga gawain, may chance na mag-overtime ka ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7
Gemini (May 21 – Jun 20)
Irelax mo muna ang iyong isip ngayong araw. Pwede kang pumunta sa simbahan at humingi ng guidance kay Lord.
Love:
Singles: Huwag mong dedmahin ang iyong mga kaibigan. Kung yayayain ka nilang lumabas, sumama ka kung hindi naman ito malayo.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga feel ang iyong trabaho, hindi ka magtatagal dito at mas mabuting maghanap ka na lamang ng iba.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kahit gaano pa kahirap ang iyong problema, tiyak naman na makakaisip ka ng solusyon para rito dahil matalino ka.
Love:
Singles: Kung gusto mong pumasok sa isang relasyon, dapat ay siguraduhin mo muna na seryoso ang iyong magiging partner.
Money/Career:
Kung hindi ka magkakaroon ng focus sa iyong mga gawain, tiyak na mahuhuli ka at mangangapa ka na naman.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Huwag ka matakot dahil tiyak naman na may mga taong nakahandang sumuporta sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang nakita mo na ang taong nakalaan para sa iyo, pero hindi mo pa rin sigurado kung handa ka na para pumasok sa isang relasyon.
Money/Career:
Huwag mo na lang ipilit ang iyong ideya sa ibang tao, lalo na kung wala naman silang balak na makinig sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Subukan mong sumunod sa iyong schedule para naman hindi ka malito kung anong mga bagay ang dapat mong unahin.
Love:
Couples: Maging sweet ka sa iyong partner ngayong araw. Hindi ninyo kailangang umalis ng bahay para rito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Okay lang na magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili, pero huwag ka naman masyadong mayabang dahil walang matutuwa sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka na malungkot kung hindi mo pa nakikita ang taong nakalaan sa iyo. Ienjoy mo na lamang ang iyong pagiging single.
Money/career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting magpahinga na lamang sa iyong bahay at huwag muna pumasok.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung naguguluhan ka sa takbo ng iyong buhay, subukan mo munang lumayo sa social media para makapagmuni-muni ka.
Love:
Couples: Kung may nagawang kasalanan ang iyong partner, huwag ka masyadong magalit sa kanya lalo na kung hindi naman niya ito sinasadya.
Money/Career:
Mukhang makakaisip ka na ng solusyon para makatipid ka ng pera. Mas mabuting maging consistent ka rito.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka muna makipagtalo sa iyong kaibigan tungkol sa isang bagay. Hayaan mong marealize niya na mali siya.
Love:
Couples: Makinig ka sa iyong partner dahil may point naman siya. Pagbigyan mo muna siya at tingnan mo kung magiging okay ang lahat.
Money/Career:
May chance na tulungan mo ang iyong katrabaho ngayong araw, lalo na kung masyado na siyang huli sa kanyang mga gawain.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mas mabuting iwan mo na ang isang bagay, lalo na kung hindi na ito nakakabuti sa iyo. Kahit na mahirap, kailangan mo itong gawin.
Love:
Singles: Huwag mo na sayangin ang oras mo sa mga taong hindi ka naman naa-appreciate. Maraming iba diyan na kaya kang pahalagahan.
Money/Career:
Huwag ka masyadong masungit sa iyong trabaho, para naman madali kang malapitan ng iba.
Lucky color: Brown
Lucky number: 4
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka magmadali na gawin ang isang bagay, lalo na kung hindi ka masyadong sigurado kung magiging okay ba ito para sa iyo.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang lugar na memorable para sa inyo. Maganda ang araw na ito para maging sweet kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung hihingi ka ng advice sa ibang tao, tandaan mo na marami kang options at ikaw lang ang makakapagdecide kung ano ang iyong gagawin.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 27
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi ka makikinig, may chance na hindi mo maintindihan ang isang bagay at tiyak na magkakamali ka dahil dito.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad susuko. Makikita mo rin ang taong nararapat para sa iyo, kaya habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Maaaring madelay ang iyong mga gawain ngayong araw, pero hindi mo naman ito kasalanan kaya hindi mo kailangang mag-alala.
Lucky color: Black
Lucky number: 18

