Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kaya mo naman tapusin ang isang bagay na mag-isa. May malaking chance na tinatamad ka lang talaga na gawin ito.
Love:
Couples: Kahit na hindi mo ito gusto, kailangan mo pa ring gawin ito para naman maitama mo ang mali ng iyong partner.
Money/Career:
Kung nagbabalak kang maghanap ng ibang trabaho, ipagpaliban mo muna ito sa ngayon.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kahit na makalimutan mo ang isang bagay, ipapaalala naman ito sa iyo ng iyong kaibigan kaya huwag ka masyadong mag-alala.
Love:
Couples: Huwag mo na lang muna kontrahin ang gustong gawin ng iyong partner para hindi na kayo mag-away pa.
Money/Career:
May malaking chance na makapag-abroad ka dahil sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang gustong liwanagin, ayusin mo ang iyong explanation para naman maintindihan ka kaagad ng iba.
Love:
Couples: Subukan mong pumunta sa isang event ng iyong partner, para naman ma-feel niya ang suporta mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng busy sa kanilang research.
Lucky color: Purple
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang makikita mo ang pakinabang ng isang bagay ngayong araw, lalo na kung kakailanganin mo ito bigla.
Love:
Couples: Kung handa na kayong dalawa para i-level up ang inyong relasyon, gawin ninyo ito para mas maging matatag pa kayo.
Money/Career:
Mukhang may chance na masisi ka sa isang kasalanan na hindi mo naman ginawa.
Lucky color: Orange
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Hindi mawawala ang isang problema kung hahayaan mo lang ito. Dapat ay gawan mo na ito kaagad ng aksyon.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mahigpit sa iyong partner. Hindi naman palagi ay kailangan niya ang iyong permission.
Money/Caerer:
Huwag ka na lang muna mag-invest sa isang bagay na hindi pa masyadong sigurado kung kikita.
Lucky color: orange
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Sabihin mo na ang kailangan mong sabihin sa isang tao ngayong araw para magkaroon ka na ng peace of mind.
Love:
Singles: Mukhang may chance na mahulog ang loob mo sa isang tao na sa tingin mo ay hindi mo magugustuhan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang makakatanggap ka ng importanteng mensahe ngayong araw at baka meron itong kinalaman sa pera.
Love:
Couples: Huwag ka na magpaapekto masyado sa iyong partner, lalo na kung alam mo namang tinotopak lang siya.
Money/career:
Mukhang mapapagastos ka ulit ngayong araw, lalo na kung makita mong naka-sale ang item na gusto mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 10
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kahit na hindi masyadong grabe ang iyong problema, gawan mo pa rin ito kaagad ng solusyon para wala ka na masyadong inaalala.
Love:
Couples: Kung may gusto kang itanong sa iyong partner, huwag ka na mahiya at diretsyuhin mo na siya kaagad.
Money/Career:
Kung kinakapos ka sa iyong budget, subukan mong maghanap ng magandang sideline.
Lucky color: Rose
Lucky number: 19
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung aware ka na pwedeng mangyari ang isang bagay, sabihin mo ito sa iba para naman maging prepared din sila.
Love:
Couples: I-enjoy mo lang ang araw na ito kasama ng iyong partner para naman mabawasan ang stress mo.
Money/Career:
Bago mo tanggapin ang isang deal, alamin mo muna kung ano ang pros and cons nito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Gawan mo na ng aksyon ang isang bagay ngayong araw, lalo na kung palagi na lamang ito gumugulo sa mood mo.
Love:
Couples: Kung may problema ka sa iyong partner, sabihin mo ito sa kanya para hindi na siya magtaka sa mga kilos mo.
Money/Career:
Huwag ka na magdalawang-isip sa isang bagay at gawin mo na agad ito para matapos na ang iyong problema.
Lucky color: White
Lucky number: 28
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Subukan mong baguhin ang diskarte mo sa isang bagay. Malay mo, maging effective naman ito para sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mo na ilihim sa iyong partner ang isang bagay, lalo na kung palagi ka niyang kinukulit tungkol dito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong gustong magkaroon ng sariling business.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang mahihirapan kang gawin ang isang bagay ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil may mga tao naman na tutulong sa iyo.
Love:
Singles: May taong gusto kang maging ka-partner, pero mukhang kaibigan lang talaga ang tingin mo sa kanya.
Money/Career:
Kailangan mo munang ibigay ang oras mo sa iyong trabaho ngayong araw, lalo na kung marami ang mga bagay na ipinapagawa sa iyo.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 26

