Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang bibilib ka sa isang tao ngayong araw, lalo na kung madali niya lang nagagawa ang mga pinapagawa mo sa kanya.
Love:
Singles: Kung kagagaling mo lang sa isang stressful na relasyon, mas mabuting magspend ka na lang ng time sa iyong mga kaibigan para mabilis ka makapag-move on.
Money/Career:
Makukuha mo naman ang mga bagay na kailangan mo, pero habaan mo na lang ang iyong pasensiya dahil hindi mo makukuha ang mga ito kaagad.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 10 3 29 7 34 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Ibigay mo ang best mo sa isang bagay, lalo na kung gusto mong patunayan sa ibang tao na kaya mo ang mga ito.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na may taong pumorma sa iyo, lalo na kung mapapadaan ka sa mga bar.
Money/Career:
Huwag ka na lang mag-expect masyado sa isang bagay at baka madisappoint ka lang.
Lucky color: White
Lucky numbers: 58 35 8 56 9 25
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka na lang makinig sa mga tsismis ngayong araw dahil may malaking chance na masaktan ka lang sa mga maririnig mo.
Love:
Singles: Damayan mo na lang muna ang kaibigan mo lalo na kung masama talaga ang loob niya sa isang tao.
Money/Career:
Huwag mo masyadong kunin ang atensyon ng lahat ng tao dahil tiyak na marami lang ang maiinis sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 35 45 38 55 43 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang mag-alala kung marami mang bagay ang ipinapagawa sa iyo dahil malaki ang chance na matapos mo ang mga ito.
Love:
Singles: Subukan mong yayain ang mga iyong mga kaibigan na pumunta sa isang camping trip lalo na kung hindi pa kayo nakakagala.
Money/Career:
Mukhang may malalaman kang bagay ngayong araw at pwede mo itong gamitin para sa iyong advantage.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 12 21 57 49 56 2
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Intindihin mo na lang ang ibang tao para mas maganda ang maisip mong solusyon sa isang problema.
Love:
Couples: Kumalma ka na lang muna. Walang mapupuntahan ang init ng ulo mo kaya naman mas mabuting magrelax ka na lang.
Money/Career:
Huwag mo basta husgahan ang isang tao. Alamin mo muna kung ano talaga ang nangyari.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 27 55 58 35 26 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang kukutuban ka sa isang tao ngayong araw, lalo na kung mapapansin mo na kakaiba talaga ang mga kilos niya.
Love:
Couples: Ayaw mo mang maging malungkot ang iyong partner, kailangan mo pa ring kumontra sa kanyang nais ngayong araw.
Money/Career:
Maiintindihan naman ng ibang tao ang sitwasyon mo kaya wala ka dapat alalahanin.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 27 55 58 35 26 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo biglain ang sarili mo ngayong araw lalo na kung kagagaling mo lang sa sakit. Take your time at magdahan-dahan ka lang.
Love:
Couples: Kung may nagawa kang mali, magsorry ka kaagad at huwag mo na paabutin na pagtalunan ninyo pa ito.
Money/Career:
Kung nalilito ka tungkol sa isang bagay, mas mabuting hingin mo ang opinyon ng ibang tao.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 16 17 20 13 51 45
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang handa ka namang tulungan ng isang tao ngayong araw, kaya lang hindi mo siya masyadong feel na kasama.
Love:
Couples: Maging honest ka sa iyong partner. Kung meron kang hindi gusto, sabihin mo ito at huwag mong hintayin na malaman niya ito sa iba.
Money/Career:
Huwag mo na lang pakialaman ang ibang tao lalo na kung ayaw nila na naiistorbo sila.
Lucky color: Rainbow
Lucky numbers: 51 11 35 50 53 17
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may binabalak ka na gawin ngayong araw. Mag-ingat ka lang at tiyak na malalagot ka kapag nahuli ka.
Love:
Singles: Confident ka naman sa iyong itsura, kaya huwag ka na masyadong mag-alala sa sasabihin sa iyo ng ibang tao.
Money/Career:
Kung hindi mo pa nahahanap ang bagay na gusto mong gawin, magtry ka lang ng iba’t-ibang bagay hanggang sa makita mo ito.
Lucky color: Lavender
Lucky numbers: 38 11 20 37 14 32
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kahit na ginagawa mo naman ang best mo, may chance na hindi pa rin ito maappreciate ng ibang tao.
Love:
Singles: Kung gusto mo na talaga magka-love life, huwag ka lang basta-basta maghintay at simulan mo na maghanap.
Money/Career:
Subukan mong gumawa ng bago ngayong araw para naman magkaroon ng pagbabago sa iyong routine.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 37 55 40 27 15 56
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Gamitin mo ang iyong mga natutunan sa isang bagay para naman magkaroon ka ng advantage sa iyong mga karibal.
Love:
Couples: Kung sawa ka na sa excuses niya, marahil ay bigyan ninyo na lang muna ang sarili ninyo ng space para makapag-isip kayong pareho.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga feel ang trabaho mo, hindi ka mag-iimprove dito.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 37 38 2 44 57 49
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi mo kaya ang isang bagay, humingi ka ng tulong sa iba at baka magawa mo itong matapos ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag kang matakot na ipakita sa iyong partner ang mga bagay na kinakatakutan mo para mas lalo ka niyang maintindihan.
Money/Career:
Makinig ka sa hinala at kutob mo ngayong araw dahil malaki ang chance na magkatotoo ang mga ito.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 41 48 49 28 16 57

