Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang balak na gumala ngayong araw, gawin mo ito pero huwag mong kalimutan na magsabi kung saan ka pupunta.
Love:
Singles: Mukhang kahit na gusto mo siya, hindi mo siya magagawang lapitan ngayong araw dahil meron siyang ibang dinidiskartehan.
Money/Career:
Ipakita mo sa ibang tao na palagi kang nakahanda para tumulong sa kanila.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 41 15 28 39 43 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Diretsyuhin mo na lang ang isang tao ngayong araw lalo na kung meron ka talagang problema sa kanya.
Love:
Singles: Kung talagang may gusto ka sa kanya, sabihin mo na ito agad bago ka pa may mauna sa iyo.
Money/Career:
Huwag mo muna sundin ang karaniwan mong ginagawa. Magtry ka ng isang bagay na bago para sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 7 18 19 26 49 44
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung napapansin mo na hindi talaga nababagay ang ginagawa mo para sa iba, ikaw na mismo ang mag-adjust.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na gawin ang isang bagay na parehas ninyong paboritong gawin.
Money/Career:
Huwag ka muna magsalita ng tapos at may malaking chance na mapahiya ka sa huli.
Lucky color: Gold
Lucky numbers: 17 34 22 50 16 19
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang matakot na suriin ang isang bagay dahil may malaking chance na tumama naman ang mga sasabihin mo.
Love:
Singles: Panahon na para makapagmove on ka sa iyong nakaraang relasyon pero huwag mo masyadong i-stress ang iyong sarili.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong mga gawain para naman matapos mo ang mga ito kaagad.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 4 20 46 26 7 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kahit na marami kang gagawin ngayong araw, tiyak naman na maeenjoy mo ang mga ito at may chance na hindi ka talaga tatamarin.
Love:
Couples: Kung gusto mo munang mapag-isa, sabihin mo ito sa iyong partner para hindi siya mabigla sa mga ginagawa mo.
Money/Career:
Huwag mo na ipagpaliban ang ilan sa iyong mga gawain dahil kaya mo namang tapusin ang mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 34 27 8 53 23 13
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung nahihirapan ka sa isang bagay, huwag kang mahiya na humingi ng tulong sa iyong kaibigan dahil hindi ka naman niya tatanggihan.
Love:
Couples: Para maayos ninyo ang inyong problema, dapat ay aminin ninyo na kayo mismo ang nagpalala ng mga bagay-bagay.
Money/Career:
Huwag mong kalimutan na bigyan ng break ang iyong sarili. Kailangan mo rin ng pahinga kahit marami ka pang kailangan na gawin.
Lucky color: Lavender
Lucky numbers: 43 22 31 3 13 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maghintay ka lang. Tiyak na darating din ang hinihintay mo kaya sa ngayon ay magprepare ka muna para rito.
Love:
Singles: Hindi pa ito ang tamang panahon para baguhin mo ang iyong status. Huwag ka munang magmadali.
Money/Career:
Kung meron kang ginawang desisyon, dapat ay panindigan mo ito para hindi ka mapahiya sa ibang tao.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 51 8 48 2 35 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka masyadong mag-exert ng effort sa isang bagay na hindi mo pa naman sigurado. Mahirap na at baka mauwi lang ito sa wala.
Love:
Couples: Kung napapansin mo na kakaiba ang ikinikilos ng iyong partner. tanungin mo na agad siya tungkol dito.
Money/Career:
Kahit na ano pa man ang mangyari ngayong araw, magrereklamo ka pa rin naman sa huli.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 49 23 21 3 25 20
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maganda ang araw na ito para makipagkita sa iyong mga dating kaibigan, lalo na kung matagal na kayong hindi nagkikita.
Love:
Singles: Kung balak mong pumasok sa isang relasyon, huwag ka masyadong mag-expect dahil tiyak na meron ka pa ring haharapin na mga problema.
Money/Career:
Mukhang panahon na para umatras ka sa isang bagay lalo na kung wala talaga itong patutunguhan.
Lucky color: Silver
Lucky numbers: 25 50 51 15 30 35
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang kailangan mong humingi ng tulong sa ibang tao lalo na kung hindi ka talaga expert sa inutos sa iyo.
Love:
Couples: Huwag kang matakot na sabihin ang iyong problema sa iyong partner, pero huwag ka naman gumawa ng eksena.
Money/Career:
Isipin mo ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho para naman ganahan ka ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 40 21 37 45 35 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring magulat ka sa malalaman mo ngayong araw tungkol sa iyong kaibigan. Pwede mo itong gamitin para ipang-asar sa kanya.
Love:
Singles: Hindi mo naman kailangang maging aggressive. Maging honest ka lang sa iyong sarili at hindi ka magkakaproblema.
Money/Career:
Kahit na magpaliwanag ka sa ibang tao, hindi ka talaga nila maiintindihan dahil hindi sila marunong makinig.
Lucky color: Dark violet
Lucky numbers: 12 14 47 45 43 54
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Bago ka magcommit sa isang bagay, pag-isipan mo muna ito. Mahirap na at baka bigla kang umatras at magkaproblema ang ibang tao dahil sa iyo.
Love:
Singles: Kung may gusto kang sabihin sa isang tao, sabihin mo na agad ito lalo na kung handa naman siyang makinig sa iyo.
Money/Career:
Huwag kang matakot na gawin ang isang bagay, lalo na kung ito lang ang way para maging successful ka.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 52 35 19 28 7 9