Muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime ang hit series ni Kate Valdez na “Unica Hija.”
Kasama niya rito sina Faith da Silva, Kelvin Miranda, Katrina Halili, Mark Herras, Alfred Vargas, at marami pang bigating artista.
Simula November 3, subaybayan muli ang kuwento ni Bianca (Kate) na magkakaroon ng human clone. Pero ang matagumpay na siyensya ay siya rin palang magiging sanhi ng pagkawasak ng kanilang pamilya.
Tumutok sa “Unica Hija,” mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 4:05 p.m. sa GMA Network.

