Close Menu
  • Home
  • News
  • Tech Jungle
  • RAWRMag
  • BIZnest
  • Brands
What's Hot

Paolo and Miguel from Ben&Ben Join Toyota Motor Asia’s ‘Move Your World Beat’ Campaign, Bringing Filipino Music to a Regional Stage

September 12, 2026

Muli: An OPM Musical opens at the Maybank Performing Arts Theater

September 12, 2026

Unicapital Group marks 50 years of leadership in shaping Philippine capital markets

September 12, 2026
Facebook X (Twitter) Instagram
Facebook X (Twitter) Instagram YouTube TikTok
LionhearTVLionhearTV
  • Home
  • News
  • Tech Jungle
  • RAWRMag
  • BIZnest
  • Brands
LionhearTVLionhearTV
Home»Jason Abalos talks about his rumored gay lover

Jason Abalos talks about his rumored gay lover

Mc Richard PaglicawanBy Mc Richard PaglicawanOctober 15, 2008No Comments4 Mins Read
Share
Facebook Twitter Reddit Pinterest Email

Matapos manalo sa Urian ng Best Actor trophy, may isang indie film at ang pagiging sidekick ni Ryan Agoncillo sa soap operang Pieta ang pinagkakaabalahan ngayon ni Jason Abalos. “Sa Pieta bale ako yung isa sa mga barkada niyang pagmumulan. Kami yung magbibigay sa kanya ng buhay. Bad boy ako dito. Kami yung bata pa lang ay palaban na. Ganun ang magiging role ko,” kwento ni Jason sa bago niyang role sa TV.

Nabanggit din ng young actor ang nauna niyang na-ishoot na soap na Eva Fonda, kung saan siya ang lead actor. “Sa Eva Fonda kasama din ako. Ito yung first staring role ni Cristine Reyes na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapalabas. Ako bale yung ka love interest ni Cristine. Actually marami na rin kaming na-ishoot sa Eva Fonda hindi ko lang po talaga alam kung kelan ipapalabas. Pero excited na akong mapanood ito ng mga tao,” sabi ni Jason habang nakangiti sa amin.

At dahil masaya si Jason nung hapon na iyon kaya itinanong na ng ABS-CBN.com sa kanya ang isyung talagang dapat niyang sagutin. Noon ay naging isang malaking katanungan ang totoo niyang edad at sinundan ito ng diumano ay may anak na ang actor sa isang mayamang laywer. Ngayon naman ang chikang si Joel Cruz naman ng Aficianado ang diumano ay bagong lover ng actor ang naibato sa kanya. Medyo namula ang mukha ni Jason nang tanungin naming siya tungkol dito. “Ako nililigawan ni Sir Joel?” balik tanong sa amin ni Jason habang natatawa. “Actually si Sir Joel boss ko po iyon. Wala namang ganun. Hindi totoo iyang ganyan. Parang unfair naman yata. I mean huwag…nakakahiya. Mabait si Sir Joel at waka akong maipipintas sa kanya kaya nga hindi mo siya dapat bigyan nang ganung impresyon na parang hindi maganda.”

Aminado naman ang binata na nagkikita nga sila ni Joel pero sa mga special na events lamang. “Honestly, I don’t deny the fact na nagkikita kami ni Sir Joel pero hindi araw-araw, pag may mga events lang. Halibawa kapag birthday ng mommy niya at kasama namin sina Erich (Gonzales) ganun,” dagdag eksplanasyon pa nito.

Hindi na bago kay Jason ang maintriga sa bading. Ang totoo bago pa malink ang binata sa isang lawyer ay una nang naging balita ang diumano pagpatol nito sa kung kani-kaninong bading. Ano nga ba ang nararamdaman ni Jason sa tuwing masasangkot ang pangalan niya sa isyung kabadingan? “Wala lang, Parang normal na lang sa akin yang mga ganyang bagay. Hindi mo na talaga dapat pinapatulan.Ako personally sanay na ako…sa mga ganyang balita. Kasi kung pinatulan ko lang yang mga ganyang isyu matagal na akong wala sa showbiz o baka ang dami dami ko nang kaaway. With this hindi sila nagtagumpay na galitin ako dahil hindi naman talaga ako apektado,” sambit ni Jason. Ayon sa actor magkaibigan lamang sila ni Joel kaya wala siyang dapat ikabahala. “Wala kaming relasyon ni Sir Joel at magkaibigan lang kami.”

Pati pamilya raw ni Jason ay di na nagugulat sa mga balitang ganito. “Actually sana na sila…hahaha, hindi na bago sa kanila ang malink ako sa bading. Si Papa nga kapag may nababasa o naririnig siya kasi nasa abroad siya at tatawagan niya ako sinasabi niya sa akin na huwag daw akong paapekto. Sabi ko naman sa father ko, ako maaapektohan? Hahaha!” wika ng aktor na tawa ng tawa. “Noong una talagang parang malaking isyu sa pamilya ko yung mga negative write-ups pero parang nasanay na rin sila. Alam na nila ang kalakaran sa showbiz na kapag pumatol ka at napikon ikaw ang talo at the end.”

Sa bandang huli dinadaan na lamang sa tawa ng Star Magic artist ang mga bagay na ganito. “Ang totoo hindi ko rin talaga masisisi yung mga taong nagsasabing kabit ko si ganyan at dyowa ko si ganito, kasi trabaho lang iyan. Kung saan sila masaya suportahan ko na lang sila. Hahaha!” humahalakhak na pagwawakas ni Jason.

Issues Jason Abalos
Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Reddit Email
Previous ArticleVilma Santos is nervous about working with son Luis Manzano
Next Article Alfie Lorenzo Startalk Interview Transcript
Mc Richard Paglicawan
  • Website
  • Facebook
  • X (Twitter)
  • Instagram

LionhearTV has always believed in what the everyday reader can contribute, and has always been open to receiving input, help, or leads on stories.

Related Posts

GMA Regional TV heats up summer with back-to-back surprises

May 11, 2024

Jason Abalos revealed that Boy Abunda gave him a check back then when he was eliminated from the competition

February 25, 2024

Shanaya Patel ‘Placed To Soar’

January 27, 2024

Jo Berry to star in the upcoming GMA Network legal drama series ‘Lilet Matias: Attorney-at-Law’!

May 14, 2023
Add A Comment
Leave A Reply Cancel Reply

Find us on Facebook
Blogmeter.Top



Trending

WRIVE: The P-Pop Powerhouse That Has Arrived

August 3, 2026

SILOG Awards 2026 returns to honor Filipino online creators and digital mavericks

May 13, 2026

Lion With A Heart Year 9, from acts of giving to sustainable impact

April 28, 2026

LionhearTV continues to grow: Strengthening BIZNest, Tech Jungle, and RAWRTrip for 2026

February 14, 2026

15 Adored PH Celebrity Loveteams That Eventually Parted Ways

February 2, 2026
Showbiz News

Carlos Yulo says he won’t invite parents to future wedding; Chloe San Jose respects his decision

September 12, 2026

Bela Padilla reveals unspoken work issue took a toll on her health

September 11, 2026

JM de Guzman reveals struggle with faith before ‘My Bespren Emman’; Shaina Magdayao calls series an ‘answered prayer’

September 11, 2026

Alden Richards draws attention after sharing post comparing treatment of Martin Romualdez, Cebu Senior Citizen

September 11, 2026

AiAi delas Alas reacts to ex-husband Gerald Sibayan’s remarriage

September 11, 2026
Most Viewed

Paolo and Miguel from Ben&Ben Join Toyota Motor Asia’s ‘Move Your World Beat’ Campaign, Bringing Filipino Music to a Regional Stage

September 12, 2026

Muli: An OPM Musical opens at the Maybank Performing Arts Theater

September 12, 2026

Unicapital Group marks 50 years of leadership in shaping Philippine capital markets

September 12, 2026

Shell Pilipinas and Yanson Group Reaffirm Partnership Through Fuel Supply Agreement for the Second Half of 2026

September 12, 2026

’58th’ wins big at the 3rd Manila International Film Festival

September 12, 2026
eMVP Digital is an online empire that useful pieces of information and a resource for a daily dose of entertainment in all forms. It produces LionhearTV.net, Dailypedia.net, RAWR Awards, RAWRMag, DailyPIPOL, and Broken Lion. These platforms have a highly-engaged audience per month, which varies from ages and sexes.



Blogmeter.Top
© 2026 LionhearTV.net.
  • Home
  • News
  • Tech Jungle
  • RAWRMag
  • BIZnest
  • Brands

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.