Nagbibigay ng update si Direk Rico Gutierrez sa kanyang Twitter account sa mangyayari sa Party Pilipinas kapag sila na ni Direk Mark Reyes ang hahawak. Sa May 30, si Direk Mark na ang direktor ng Sunday musical show ng GMA 7 at sa June 6 naman siya siya uupong direktor.
Nabanggit din ni Direk Rico na dalawang stage ang gagamitin ng Party Pilipinas at isa rito ang ginamit na stage sa One Earth, One Journey, ang environmental concert hosted by Richard Gutierrez. May origami ramp daw para mas malapit sa audience ang performers.
Party Pilipinas na rin lang ang usapan, sana magawan ng paraan nina Direk Rico at Direk Mark na bawasan ang paulit-ulit na pasasalamat at pagbanggit sa mga sponsors ng artists ’pag nagbi-birthday, may concert, o may bagong show dahil nakakairita at pare-parehong pangalan lang naman ang mga binabanggit.


2 Comments
Okay I watched Party Pilipinas’ and ASAP XV’s opening numbers for comparative analysis. In fairness first time kong ginawa ito.
To be clear, i’m referring to yesterday’s episode ha.
Ang na-observe ko in yesterday’s episode:
1. Party Pilipinas has the better opening production number than ASAP XV. Medyo confused and cluttered yung itsura ng production number ng ASAP. But I would commend the camerawork of ASAP, as in swak siya sa fast tempo ng songs na ginamit. Pero in fairness sa PP, magaling din ang camerawork kahapon.
And ibibigay ko na, mas magaling talaga ang audience ng ASAP sa PP.
2. Concept wise and performance-wise, mas nagalingan ako sa opening number ng PP. May theme siya (Madonna-Beyonce songs if i’m not mistaken plus street culture), it’s combination of song and dance numbers, or the amalgamation of both in one number (ie. the Frencheska and Rachelle Ann’s number). Napagsayaw nila ang La Diva, which is a good thing. Nanotice ko na nagbabuckle ng slight yung ibang ASAP singers, unlike PP’s performers na swabe.
Akala ko fail to kahapon kasi may exterior shots, which is sooo Louie Ignacio (remember his swimming pool? ) pero in fairness, it didnt appear cheap.
Na-observe ko din na yung tunog ng PP, parang tunog sa recording studio. May cancellation ng echo. I dont know if this is okay, or what pero ang alam ko feature talaga iyon ng studio 7 eh, yung nakacancel yung echo pag nagsalita ka sa loob. With ASAP kasi, we can hear the echo pag kumakanta yung performers o sumisigaw yung audience.
3. And yeah, I guess obvious na rin pala na mas technologically advanced ang PP studio kaysa sa ASAP studio because of the lights. And the stage of course. Parang feeling ko nahihirapan ang ASAP performers sa sobrang liit na stage. Though I would commend them for utilizing it well.
paganda ng paganda ang party pilipinas….