Naalala naming naglabas ng statement ang GMA Artist Center na nananatili sa kanila si Pierro Vergara, isa sa StarStruck V avenger dahil may exclusive contract ito sa kanila. Paglilinaw nila ito sa naglalabasang lilipat sa ABS-CBN ang bagets.
Pero nabalitaan naming nag-pictorial at nag-plug shoot na si Pierro para sa Shout Out, ang daily show na ilo-launch ng ABS-CBN malapit na malapit na. In fact, kasama raw si Pierro sa Tuesday group sa mala-That’s Entertainment show ng Ch. 2.
Isa lang daw ang isasagot ng kampo ni Pierro ‘pag pinigilan ng GMA Artist Center na lumabas sa Shout Out, na hindi siya binigyan ng show.
Twice lang yata namin siyang napanood sa Party Pilipinas at hindi na nasundan, eh puwede naman siyang isama’t kumakanta at naggigitara ito at puwede rin siya sa ibang show ng Channel 7.

