in , ,

This is the Reason Why Randy Santiago left Willie Revillame’s show

  • Randy Santiago is back as a Kapamilya
  • He reveals the reason why he left Willie Revillame’s show in GMA

Randy Santiago is part of ABS-CBN’s newest teleserye addition to Primetime as Daniel Padilla’s step father starting June 19.

In an exclusive interview he had with PUSH, the singer-actor revealed why he decided to drop Willie Revillame’s show in the rival network.

“Siyempre, nagko-conflict sa pagkanta, kumakanta kasi ako, eh. Pero wala pa ‘to, wala pa ‘tong project nung nagpaalam ako sa kanya.

“Nakakahiya kasi na kapag kumakanta ako, ibang director ang nagdidirek (ng show niya). Siyempre, nahihiya naman ako sa kanya,” he said.

Randy was the director of Willie’s show, Wowowin.

Back to singing

He also said that he misses being part of the music industry. It’s been ten years since he released an album and he badly wants to produce a new one.

“Gusto ko rin talagang bumalik sa pagkanta. Siyempre pag nasa likod ako (ng kamera), isang taon din akong wala sa TV, di ba?

“Active naman ako bilang singer, kaya lang, yung para pagtuunan ko ng panahon na makagawa ako ng album, hindi eh. Siyempre, lagi kaming puyat don,”

“Yon ang nami-miss ko. Eh, kasi merong mga umaasang bumalik ako, sila naman ang gusto kong pagbigyan. Sabi nila, ‘Kuya Rands, labas ka naman ng album.’ Sabi ko, sige tingnan natin,” he said.

Randy shared that he did not expect to get this role in the upcoming fantasy-serye bu he was glad to accept it.

“Pinaplano ko na talagang bumalik, tapos eto, nagkataon naman na nung sinabing, ‘Puwede ka bang mag-soap?’ Ako? Ako magso-soap?

“Siyempre, natuwa ako. Pero sabi ko, tanungin mo muna kay Direk (Cathy), kasi hindi naman ako nagso-soap. Pero katulad ng sinabi ni Direk, light lang yung character ko, parang comic relief.

“Nakakatuwa naman na kinonsider ako. Kaya imbes na ako ang tanungin n’yo kung gusto ko, si Direk Cathy ang tanungin n’yo kung gusto niya akong makasama.”

Eh, kumusta naman ang experience na maidirek ng kapwa niya director?

“Siyempre, pag iba ang director iba yon kasi hindi ako ang director don. Kumbaga, artista ako don at importante sa artista ang sumunod ka sa kanya. Kasi hindi ka naman pababayaan ng director mo, eh, lalo na kay Direk Cathy.



“Kaya artistang-artista ako sa La Luna. Kahit suggestion ayokong magbigay. Hahaha! Dahil gusto kong maramdaman din yung pagiging artista. Masarap din yung maidirek kay ni Cathy.”

Comments

“My Dear Heart” cast share their unforgettable moments on the teleserye

European pop sensation Astrid S eyes on the Philippines as a major music market in Asia