in , ,

Daily Horoscope: August 30, 2017 – Wednesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Matatapos mo na ang isang obligasyon mo at magkakaroon ka na ng panahon para gawin ang mga bagay na gusto mo talagang gawin.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong maglaan ng maraming oras sa iyong trabaho. Tandaan mo na may iba pang bagay na mas importante kaysa doon.
Money/Career:
Hindi ito ang tamang panahon para ikaw ay magshopping. Ipagpaliban muna ito ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 15

Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring mapayuhan ka ng isang stranger ngayong araw at may malaking posibilidad na may point siya sa kanyang sasabihin.
Love:
Couples: Magandang araw ito para ikaw ay maging romantic sa iyong partner. I-treat mo siya sa isang dinner pagkatapos ng trabaho.
Money/Career:
Kailangan mong maghigpit sa pera sa ngayon. Kaya naman alamin mo muna kung kailangan mo talaga ang isang bagay bago mo ito bilhin.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10



Gemini (May 21 – Jun 20)
May aasikasuhin ka ngayong araw at mukhang wala kang masyadong magagawang ibang bagay bukod dito. Take your time at huwag ito madaliin.
Love:
Couples: Huwag ka makinig sa sasabihin ng ibang tao lalo na kung tungkol ito sa iyong partner. Magtiwala at maniwala ka sa taong mahal mo.
Money/Career:
Kung nagpaplano ka na lumipat sa ibang kumpanya, marahil ay ito na ang tamang panahon para rito.
Lucky color: Green
Lucky number: 2

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging pabor sa iyo ang araw na ito. May mga proyekto ka na magagawa mong matapos kaagad at magkakaroon ka ng sapat na oras para makapagpahinga.
Love:
Couples: Maaaring complicated ngayon ang status ng inyong relasyon. Dapat ninyong ayusin ang anumang problema habang maaga pa para hindi na ito lumala pa.
Money/Career:
Maaaring may matanggap ka na magandang job offer ngayong araw at gawin mo ang lahat para makuha mo ang trabahong ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung naguguluhan ka sa kalagayan mo ngayon, marahil ay makakatulong sa iyo kung lalayo ka muna sa lahat at magmuni-muni.
Love:
Couples: Huwag masyadong magpakabusy sa trabaho. Siguraduhin mong may panahon ka para sa iyong partner para maiwasan ang inyong pag-aaway.
Money/Career:
Maaaring may matanggap ka na job opportunity, pero pag-isipan mo muna ito dahil mukhang hindi mo forte ang trabahong ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Dahil sa iyong magandang personality, hindi na dapat ikagulat kung marami kang kaibigan. Kaya naman hindi maipagkaila na blessed ka rin dahil sa kanila.
Love:
Couples: Kung sawa ka na maghintay, aksyunan mo na ito. Kung may pagbabago na dapat mangyari sa inyong relasyon, gawin ang lahat para matupad ito.
Money/Career:
Magiging hectic ang araw na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin ang ibibigay na regulation lalo na kung ayaw mong mapagalitan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 6

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong possessive sa mga materyal na bagay. Tandaan mo na kung hindi mo na masyadong ginagamit ang isang bagay, mas maganda kung ibigay mo na lang ito para mabawasan ang tambak mo sa bahay.
Love:
Singles: Bago ka magmahal ng ibang tao, dapat ay mahalin mo muna ang iyong sarili. Darating din ang tamang panahon para ikaw ay magka-love life.
Money/Career:
Maaaring magquit ka sa iyong kasalukuyang trabaho lalo na kung hindi ito ang pinangarap mong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 6

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging moody ka ngayong araw kaya naman mas maganda kung lalayuan ka muna ng mga tao para hindi sila madamay sa topak mo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic sa iyong partner. Bawas-bawasan mo rin ang pagiging pasaway mo sa kanya.
Money/Career:
Importante na palawakin mo ang iyong mga koneksyon para maging successful ka sa buhay.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 18

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mas maganda kung magplano ka muna bago mo gawin ang isang bagay. Mas mabuti na handa ka kung sakaling magkaproblema.
Love:
Singles: Maaaring nilalapitan ka lang ng mga tao dahil sa iyong yaman. Kaya naman maging wais at mapili pagdating sa iyong social circle.
Money/Career:
Hindi ito ang tamang panahon para maging tamad ka. Mag-isip ka ng mga bagong method kung paano ka kikita ng malaki.
Lucky color: Violet
Lucky number: 1

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may kailangan kang i-celebrate ngayong araw, gawin mo ito. Imbitahan mo rin ang iyong mga kaibigan at ibang kamag-anak.
Love:
Couples: Maaaring magkaproblema ka sa iyong trabaho at maaaring maapektuhan din dahil dito ang iyong relasyon.
Money/Career:
Marami kang bagay na dapat gawin ngayong araw kaya naman siguraduhin mo na wala kang makakalimutan para hindi ka magkaproblema.
Lucky color: Blue
Lucky number: 18

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Ingatan mo ang iyong bibig ngayong araw dahil maaaring may masabi ka na ikakaoffend ng isa mong kaibigan at mag-aaway kayo dahil dito.
Love:
Singles: May kaibigan ka na may pagtingin sa iyo, pero kaibigan lang ang turing mo sa kanya. Sabihin sa kanya ito at huwag na siyang paasahin.
Money/Career:
Huwag mahiyang ilibre ang iyong mga kasamahan sa trabaho ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring magkaroon kayo ng outing kasama ang iyong pamilya at ilang mga kamag-anak. Kaya naman magtipid ka na para may pampasalubong ka sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Bago mahuli ang lahat, kailangan mong aksyunan ang isang problema sa inyong relasyon. Tatagan mo lang ang iyong loob.
Money/Career:
Huwag ka na mag-aksya ng oras sa mga hindi importanteng bagay. Magfocus ka sa iyong mga gawain at ibigay mo ang lahat ng iyong effort dito.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 15

Kantar Media: Nationwide TV Ratings – August 25 – 27, 2017 | Jake Zyrus’ “MMK” beats “Magpakailanman”; “Little Big Shots” rules weekend

Raquel Pempengco to file libel case against Jake Zyrus, “MMK”?