Aries (Mar 21 – Apr 19)
May mga bagay na mangyayari ngayong araw na hindi mo mapipigilan. Kaya naman kaysa sa kumontra ka,
sumabay ka na lang sa agos.
Love:
Singles: Madali mong nauuto ang mga taong may gusto sa iyo. Pero mag-ingat ka dahil tiyak na
kakarmahin ka sa mga ginagawa mo.
Money/Career:
May katrabaho ka na ipagyayabang ang kanyang mga achievements. Huwag ka na mainggit at magsipag
na lang kung tinatamaan ka.
Lucky color: Grey
Lucky Number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kailangan mong harapin ang iyong mga obligasyon. Magiging mahirap man ito, makakatulong naman ito para makaahon kayo sa hirap.
Love:
Couples: Nirerespeto ninyo ang isa’t-isa kaya naman kung kailangan ng partner mo ng space, pagbigyan mo siya.
Money/career:
May mga pagbabagong darating sa iyong trabaho. Maaaring hindi mo ito magustuhan sa umpisa, pero masasanay ka rin dito sa huli.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magagawa mong tapusin ang isang gawain mo na matagal na nakapending. Iwasan mo ring makipagtalo sa iyong mga kamag-anak para hindi ka mastress.
Love:
Couples: Ilaan ang araw na ito sa iyong partner at maging romantic sa isa’t-isa. Magkakaroon kayo ng quality time ngayong araw.
Money/Career:
Kung may problema sa iyong pamilya, ayusin mo agad ito lalo na kung makakaapekto ito sa performance mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mapapalapit ka sa isang tao na hindi mo naman nakakasundo palagi. Maaaring magbago ang pagtingin mo sa taong ito.
Love:
Couples: Wala sa mood ang partner mo para mag-adjust sa iyo kaya naman wala kang choice kundi pagbigyan siya sa kanyang mga gusto para hindi na kayo mag-away.
Money/Career:
Kung may gusto kang sabihin sa iyong boss, sabihin na ito sa lalong madaling panahon. Malay mo at baka mapagbigyan ka niya sa iyong hihilingin.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magiging maganda ang takbo ng araw na ito para sa iyo. Subukan mong tapusin nang maaga ang iyong mga gawain para wala ka na masyadong aasikasuhin sa hapon.
Love:
Couples: Maging sweet sa iyong partner ngayong araw. Subukan mong magcompose ng kanta para sa kanya para mas lalo siyang kiligin sa iyo.
Money/Career:
Ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag sa trabaho at makukuha mo rin ang promotion na matagal mo na hinihintay.
Lucky color: Green
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Madali mong mahuhulaan ang mga pwedeng mangyari ngayong araw. Huwag mong maliitin ang iyong kakayahang tsumamba.
Love:
Singles: Magiging maswerte ka ngayong araw lalo na kung ikaw ay may date.
Couples: Maaaring panahon na para i-level up ninyo ang inyong relasyon.
Money/Career:
Maaaring mapagastos ka sa mga darating na araw kaya naman magtipid ka muna sa ngayon.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Hindi na magiging hectic ang schedule mo sa mga susunod na araw kaya naman magkakaroon ka na ng panahon para makapagpahinga.
Love:
Couples: Kung palagi ka na lamang nasasaktan, marahil ay oras na para iwan mo na ang iyong kasalukuyang karelasyon.
Money/Career:
Mapapagastos ka ng malaki ngayong araw kaya naman kung kaya mong hindi lumabas ng bahay, gawin mo ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may problema ka ngayong araw, solusyunan mo ito kaagad. Alamin mo ang ugat ng iyong problema at doon ka magsimula.
Love:
Singles: Ang love ay nasa paligid mo lamang. Kaya naman hindi mo kailangang maghanap sa malayo para makita mo ang taong nakatadhana para sa iyo.
Money/career:
Magsimula ka ng maliit na business. At kung sakaling maging successful ito, tsaka mo na ito palakihin.
Lucky color: Silver
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May mga problema kang haharapin ngayong araw pero kailangan mong malaman na hindi ikaw ang may kasalanan dito.
Love:
Couples: KUng hindi pa kayo masyadong seryoso sa inyong relasyon, panahon na para pag-isipan ninyo ito. Sayang naman ang panahon kung naglalaro lang kayo.
Money/Career:
Maaaring maging problema ang iyong trabaho sa samahan ninyo ng iyong partner. Matutong ibalanse ang iyong oras.
Lucky color: Green
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Makipagkita sa iyong mga kaibigan o kaya ay mag-overnight sa bahay ng isa. Magandang araw ito para magbonding kayong lahat.
Love:
Singles: Para maintindihan mo siya, dapat ay maging close kayo sa isa’t-isa. Malalaman mo rin ang tunay na siya at doon mo lang marerealize kung siya na ba talaga ang taong para sa iyo.
Money/Career:
Susubukan kang pabagsakin ng mga taong may inggit sa iyo, pero hindi sila magtatagumpay dahil matatag ang iyong loob.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May ise-share sa iyong sikreto ang iyong best friend. Kaya naman gawin mo ang lahat para huwag ito ipagkalat sa iba.
Love:
Couples: Maaaring maging busy ka sa iyong trabaho at hindi ka na magkaroon ng maraming oras para sa iyong partner. Hindi mo ito kasalanan pero dapat ay bumawi ka sa kanya kung may pagkakataon.
Money/Career:
Huwag maging insecure. Maniwala sa iyong kakayahan at sa mga taong sumusuporta sa iyo.
Lucky color: Cyan
Lucky number: 19
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mong hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman gusto. Matutong tumanggi at umalis kung ayaw mo makigulo.
Love:
Singles: Humingi ka ng payo sa iyong mga kaibigan lalo na kung gusto mo na magkaroon ng love life. Kahit nakakatawa ang mga payo nila, atleast tinutulungan ka nila.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho para lamang malamangan ang iba. Ikaw rin ang malilintikan kapag nahuli ka.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24