Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maganda ang araw na ito para magfocus ka sa mga bagay na matagal mo nang iniiwasan. Kung patatagalin mo pa ito, mas magiging mahirap lamang ang iyong sitwasyon.
Love:
Singles: Kung masyado kang moody, medyo mahihirapan kang maghanap ng partner lalo na kung hindi ka gaano kadali pakisamahan.
Money/Career:
Maaaring may bilhin ka ngayong araw. Pilitin mong magstay sa iyong budget at huwag na tumingin pa sa iba.
Lucky color: Blue
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo na isipin ang mga sasabihin sa iyo ng ibang tao. Mas mabuti kung magcoconcentrate ka na lang sa iyong mga gawain para hindi ka madelay.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon kayo ng misunderstanding at may chance na may kinalaman ito sa inyong trabaho.
Singles: Mas makakabuti sa iyo kung magrerelax ka muna ngayong araw.
Money/Career:
May chance na tamarin ka ngayong araw lalo na kung pare-pareho lang ang ginagawa mo araw-araw.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maaaring maguluhan ka sa mga bagay na mangyayari ngayong araw. Kaya naman mas mabuting magtiwala sa iyong mga kutob para hindi ka na malito.
Love:
Couples: Magiging stable naman ang status ng inyong relasyon, kaya naman i-enjoy ninyo lang ang company ng isa’t-isa.
Money/Career:
Marami ka pang dapat i-achieve. Kaya naman huwag kang magmadali at habaan mo lang ang iyong pasensiya.
Lucky color: Purple
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring maguluhan ka kung anong desisyon ang dapat mong gawin. Kaya naman sundin mo ang iyong kutob at may chance na maging tama ito.
Love:
Singles: Kung meron kang ex, may chance na magkabalikan kayo lalo na kung may feelings pa rin kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Maganda ang ipinapakita mo sa iyong trabaho kaya naman gustong-gusto ka ng iyong boss.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring panahon na para magchance ka ng lifestyle. Tanungin mo ang iyong mga kaibigan kung ano sa tingin nila ang dapat mong baguhin.
Love:
Singles: Ito na ang panahon para patawarin mo ang isang tao na nagkasala sa iyo. Maaari ring mapalapit ka sa isang tao na nakasama mo dati.
Money/Career:
Ang pagiging metikuloso mo ang isa sa iyong mga katangian na talaga namang gustong-gusto ng iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magiging energetic ka ngayong araw kaya naman magiging maganda rin ang iyong mood. Magagawa mong tapusin ang mga pending na gawain na naiwan mo
kahapon.
Love:
Couples: Maaaring pigilan mo ang iyong partner sa kanyang gagawin. Maaaring makipagtalo siya sa iyo kaya naman magpaliwanag ka nang mabuti.
Money/Career:
Magiging maganda ang mood mo sa trabaho kaya naman matatapos mo ang iyong mga gawain kaagad.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung dedicated ka sa iyong bagay, hindi malayong maging matagumpay ka rito. Kaya naman siguraduhin mo na naglalaaan ka ng maraming oras para rito.
Love:
Singles: Mukhang magiging socially available ka na. Pero matatagalan pa bago ka makahanap ng partner na magugustuhan mo.
Money/Career:
Huwag ka masyadong mayabang sa iyong trabaho. Kung magkamali ka, malaki ang chance na mapahiya ka sa maraming tao.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Hindi ito ang tamang oras para maghesitate ka. Kung may oportunidad na dumating sa iyo, kunin mo na ito kaagad at baka maunahan ka pa ng iba.
Love:
Couples: Kung may gusto kang sabihin sa iyong partner, huwag ka na mahiya dito. Mas mabuti na magkaroon ka ng peace of mind para hindi ka na mahirapan.
Money/Career:
Magugulat sa iyo ang iyong mga kasama dahil magiging masipag ka ngayong araw.
Lucky color: Rose
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kahit anong gawin mong pagpaplano, mukhang may chance ito na hindi masunod kaya masasayang lang ang iyong effort.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. Pwede mo siyang ipagluto o kaya’y regaluhan ng isang bagay na gusto niya.
Money/Career:
Kung nagkaroon ka ng exam, may malaking chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Ayusin mo muna ang iyong mga problema bago ang ibang bagay. Hindi ka magkakaroon ng peace of mind kung hindi mo ito aayusin kaagad.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong fashion statement at may chance na mapansin ka na rin ng iyong crush.
Money/Career:
Huwag mag-alala kung nalugi ka kamakailan. Pwede ka namang humingi muna ng pera sa iyong pamilya pansamantala.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang naisip na idea, huwag mo muna ito sabihin sa iba dahil baka gamitin nila ito at mauna sila sa iyo.
Love:
Singles: Kung pinipilit ka ng iyong mga magulang na magkaroon na ng karelasyon, sabihin mo sa kanila na hindi mo pa nahahanap ang taong nararapat para sa iyo.
Money/Career:
Kung masyado kang busy sa iyong trabaho, maaaring mawalan ka ng panahon para sa iyong pamilya o partner at maaaring magtampo sila sa iyo.
Lucky color: White
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang marami kang maiisip na ideya ngayong araw. Un lang, malilito ka kung alin sa kanila ang dapat mong unahin.
Love:
Singles: May taong may gusto sa iyo, pero mukhang kaibigan lang ang turing mo sa kanya. Sabihin agad ito sa kanya para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Kung kaya mong tumulong sa iba, gawin mo ito para naman makuha mo ang tiwala nila.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10

