in ,

Daily Horoscope: November 28, 2017 – Tuesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magkakaroon ka ng oras para tapusin ang mga bagay na hindi mo natapos kahapon. Kaya naman bilisan mo ang paggawa para hindi ka matambakan ng gagawin.
Love:
Couples: Kung meron kayong tampuhan ng iyong partner, maaaring magkaayos na kayo ngayong araw. Tiyak na may matututunan kayo dahil dito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8

Taurus (Apr 20 – May 20)
Magfocus ka lang sa iyong mga gawain. Huwag ka na magparinig sa ibang tao lalo na kung nagiging tamad sila.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. Subukan mong gawin ang isang bagay na gusto niyang gawin mo.
Money/Career:
Dumiskarte ka na ngayong araw para maimpress mo ang iyong mga boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19

Gemini (May 21 – Jun 20)
Baka magkaroon kayo ng biglaang lakad, kaya kung meron kang naipong pera, malaki ang chance mo na makasama.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo, pero kaibigan lang talaga ang tingin mo sa kanya. Huwag mo na siya paasahin.
Money/Career:
Patawarin mo ang mga taong nagkasala sa iyo, maging ang iyong kasama sa trabaho na puro sakit sa ulo ang dala sa iyo.
Lucky color: Red orange
Lucky number: 3

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka masyadong matakaw ngayong araw. Alagaan mo naman ang katawan mo at masyado mo na itong napapabayan.
Love:
Couples: Tandaan mo na palaging nandyan ang partner mo para suportahan ka. Huwag kang mahiya sa kanya dahil hindi naman siya iba sa iyo.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa iyong trabaho, hindi malayong maraming tao ang mainggit sa achievements mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 4

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Dapat ay handa ka sa lahat ng challenges na haharapin mo sa buhay. Pero kung hindi mo naman kaya, tandaan mo na maraming susuporta sa iyo.
Love:
Singles: Maaaring may taong magkagusto sa iyo pero malaki ang chance na wala siyang balak maging sersyoso sa iyo.
Money/Career:
Okay lang na sumunod sa inuutos ng iba, pero dapat ay alam mo kung inuuto ka lang nila.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang malaki ang chance na maging mabait ka ngayong araw at talagang mabibigla dito ang iyong mga malalapit na kaibigan.
Love:
Couples: Kung maganda naman ang takbo ng iyong relasyon, marahil ay panahon na para kayo ay magpakasal.
Money/Career:
May malaking chance na may magbayad sa iyo ngayong araw at dahil dito, magagawa mong bilhin ang isang bagay na matagal mo nang gusto.
Lucky color: White
Lucky number: 23

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan. Kaya mo naman gawin ang mga bagay-bagay, kaso tinatamad ka lang palagi.
Love:
Couples: Sundin mo kung ano ang nasa puso mo. Kung saan ka magiging panatag at maligaya, iyon ang gawin mo.
Money/Career:
Mukhang may pagbabago na darating sa iyong trabaho. Hindi mo man ito magustuhan, wala kang magagawa kundi tanggapin ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 7

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang maganda naman ang takbo ng iyong buhay. Kailangan mo na lang maging consistent para magpatuloy ang iyong swerte.
Love:
Couples: Kung may balak kayong umalis ng iyong partner, may malaking chance na hindi ito matuloy. Kaya mas mabuting manatili na lamang sa bahay.
Money/Career:
Kaya mo naman tapusin ang iyong mga gawain, kaso wala ka lang motivation para tapusin ang mga ito kaagad.
Lucky color: Black
Lucky number: 16

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May taong magpapayo sa iyo ngayong araw at kailangan mong sundin ang mga sasabihin niya, lalo na kung gusto mong maging maswerte.
Love:
Couples: Mukhang may third person na gustong sumira sa inyong relasyon. Kumapit lang kayo sa isa’t-isa para hindi siya magtagumpay.
Money/Career:
Hindi na masyado magiging hectic ang iyong schedule, kaya naman magkakaroon ka ng time para makapagrelax.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 22

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magrelax-relax ka naman. Huwag ka palaging magpapressure sa ibang tao at gawin mo lang ang mga bagay na talagang gusto mo.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa iba. Pero kung ipagpapatuloy mo ito, may chance na walang taong sumeryoso sa iyo.
Money/Career:
May malaking chance na may makuha kang pera ngayong araw, kaya naman tipirin mo ito at huwag gastusin lahat.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 23

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging energetic ka ngayong araw, kaya naman may malaking chance na marami kang matapos na mga gawain.
Love:
Couples: Maaaring maging complicated ang inyong relasyon, lalo na kung hindi ninyo inaalagaang mabuti ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Kumalma ka lang. Kahit na hindi umaayon sa iyong gusto ang mga nangyayari, kailangan mo lang magrelax.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 25

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan ng iba ang tulong mo. Kaya naman kung kaya mo silang pagbigyan, gawin mo ito. Hindi ito ang oras para magdamot ka.
Love:
Couples: Huwag ka na tumingin pa sa iba dahil lahat ng qualities na hinahanap mo sa isang tao ay nasa iyong partner na.
Money/Career:
Maaaring maging emosyonal ka ngayong araw kaya naman may chance na makaapekto ito sa iyong performance.
Lucky color: Dark grey
Lucky number: 3

Comments

Kris Aquino reacts on son Bimby’s viral video

“FPJ’s Ang Probinsyano” is still on top; “La Luna Sangre,” “The Good Son” rules respective timeslots