Aries (Mar 21 – Apr 19)
Hindi maganda na maging tamad ka ngayong araw. Gawin mo ang lahat para ganahan at matapos ang iyong mga gawain.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner sa isang date. Maganda ang araw na ito para maging romantic sa kanya.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may matanggap kang pera ngayong araw.
Lucky color: Cream
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magiging confident ka ngayong araw, kaya naman mag-iiba ang awra mo at mapapansin ito ng iba.
Love:
Couples: Kung busy ka sa iyong trabaho, siguraduhin mo na maglalaan ka pa rin ng oras sa iyong partner.
Money/Career:
Gawin mo lang ang mga bagay na kaya mo. Huwag kang mangako sa isang tao kung hindi ka naman sigurado.
Lucky color: Red
Lucky number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung merong tao na hihingi sa iyo ng tulong at kaya mo namang ibigay ito sa kanya, huwag mo siyang tanggihan.
Love:
Couples: Hindi ito ang tamang panahon para magtampo ka dahil sa mga maliliit na bagay. Maging mature ka naman.
Money/Career:
Kahit na gusto mo lang makatulong, hindi magiging maganda ang turing sa iyo ng iba.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung merong oportunidad na dumating sa iyo, kunin mo ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga magkaroon ng karelasyon, dapat ay ikaw na ang gumawa ng first move.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Pumunta ka sa mga perya o kaya’y tumaya sa lotto.
Lucky color: Black
Lucky number: 22
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na maging busy ka ngayong araw, kaya naman magfocus ka sa iyong mga gawain para maaga kang matapos.
Love:
Singles: Huwag kang matakot na umibig muli. Maging mas maingat ka na lang para hindi ka na masaktan ng grabe.
Money/Career:
Maging consistent ka lamang sa iyong trabaho at sigurado naman na magiging successful ka rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka na magdalawang-isip pa. Gumawa ka na ng desisyon para hindi ka na rin nahihirapan at nasasaktan.
Love:
Couples: Huwag kang mainsecure sa ex ng iyong partner. Gawin mo lang ang natural mong ginagawa at magbonding kayo ng iyong partner.
Money/Career:
Kung may plano ka na lumipat ng ibang trabaho, siguro ay panahon na para gawin mo ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magiging focused ka ngayong araw lalo na sa iyong mga gawain. Walang anuman ang sisira ng iyong concentration.
Love:
Couples: Okay lang naman na makinig sa iyong partner , pero dapat ay alam mo rin kung kailan ka dapat magsalita.
Money/Career:
Hindi importante kung gaano man kahirap ang buhay mo ngayon. Kung nagsisikap ka, tiyak na may maganda kang future.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung nahihirapan kang magdesisyon tungkol sa isang bagay, sundin mo na lang kung saan ka mas magiging masaya.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner ngayong araw dahil may malaking chance na maging pasaway siya.
Money/Career:
Kung meron kang pinautang dati, may posibilidad na magbayad na siya ngayong araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may taong mangugulit sa iyo ngayon. Aakalain mong may care siya sa iyo, pero ang totoo ay nakikitsismis lang siya.
Love:
Couples: Kung magulo ngayon ang inyong relasyon, mas mabuti kung magrelax muna kayo pareho para makapag-isip kayo nang matino.
Money/Career:
Kung merong i-ooffer sa iyo na isang trabaho na malayo sa nakasanayan mo, mas mabuting pag-isipan mo muna itong mabuti bago ka pumayag.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na matapos na ang iyong obligasyon sa isang bagay. Kaya naman makakapaglaan ka na ng oras sa isang bagay na gusto mo talagang gawin.
Love:
Couples: Kung malayo sa iyo ang iyong mahal, lagi mo lang isipin na inaalala ka niya at nagtitiwala siya sa iyo.
Money/Career:
Maniwala ka sa iyong sarili. Hindi porke hindi bilib sa iyo ang isang tao ay ganun na ang pag-iisip ng iba.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 12
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Tapusin mo muna ang iyong mga gawain bago ka gumimik sa labas. Kung magiging pasaway ka, ikaw lang ang malilintikan sa huli.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para ilaan ninyo sa inyong pamilya. Kumain kayo sa labas o magbonding sa inyong bahay.
Money/Career:
Kahit na masipag ka sa iyong trabaho, hindi talaga maiiwasan na magkamali ka paminsan-minsan.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magtiwala ka sa iyong sarili. Huwag kang makinig sa mga taong nagsasabi na hindi mo kaya. Huwag mong maliitin ang sarili mong kakayahan.
Love:
Singles and Couples: Huwag ninyong kalimutang maglaan ng oras sa inyong pamilya. Huwag ninyo ring hayaang mastress kayo dahil sa trabaho.
Money/Career:
Okay lang naman na sumunod sa sinasabi ng ibang tao, pero dapat ay maging aware ka rin kung inuuto ka lang nila.
Lucky color: Black
Lucky number: 20