in ,

Daily Horoscope: January 1, 2018 – Monday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong maattach sa iyong mga gamit. Kung napapabayaan mo na ang mga ito, mas mabuting ibigay na lamang ito sa iba.
Love:
Couples: Mukhang magiging active ang love life ninyo ngayong araw. Panahon na para kalimutan ang inyong mga nagdaang pagtatalo.
Money/Career:
Kung meron kang plano na magtayo ng sariling business, gawin mo na ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 21

Taurus (Apr 20 – May 20)
I-commit mo ang iyong sarili sa gusto mo talagang gawin. Huwag mong itago ang iyong sariling talento.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipagtalo sa iyong partner. Mas mabuting gawin mo na lang kung ano ang gusto niya.
Money/Career:
Kung meron kang budget, ilibre mo na lang ang iyong sarili ngayong araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 21



Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may gusto kang baguhin sa iyong bahay, mas mabuting gawin na ito ngayong araw para swertehin ka buong taon.
Love:
Couples: May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman pakalmahin mo lang ang iyong sarili.
Money/Career:
Kung alam mong kapos ka sa budget, huwag mo na pilitin ang iyong sarili na gumastos.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ilayo mo ang iyong sarili sa mga taong panay puna sa iyo na akala mo ay wala silang sariling kapintasan.
Love:
Singles: Mukhang malaki ang chance na mameet mo ang taong nakatadhana sa iyo sa lugar na iyong
pinagtatrabahuan.
Money/Career:
Gawa muna bago kwento. Huwag mo hayaang maiwan mo ang iyong mga gawain nang hindi tapos.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 7

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung merong taong nakasakit sa iyo, patawarin mo na siya lalo na kung humingi naman siya ng kapatawaran sa iyo.
Love:
Singles: Maaaring may magustuhan kang tao ngayong araw. Pero huwag ka muna magpadalos-dalos at baka lilipas din ang feelings mo sa kanya.
Money/Career:
Kuripot kang tao, pero hindi naman masama na gumastos ka ng malaki ngayong araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 28

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May tiwala ka naman sa iyong sarili, pero huwag naman sana umabot sa point na nagiging mayabang ka na.
Love:
Singles: Makiramdam kang mabuti. May taong nagkakagusto sa iyo, kaya huwag kang maging manhid.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka sa araw na ito. Hindi mo naman talaga ito kailangan, pero gusto mo lang.
Lucky color: Black
Lucky number: 21

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang sisipagin ka ngayong araw at dahil diyan, marami kang gawain na matatapos at makakapagrelax ka nang wala masyadong iniisip.
Love:
Singles: Mukhang may kakilala ka na gustong maging partner ka, pero kaibigan lamang ang turing mo sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka basta-basta magtiwala sa iyong mga katrabaho dahil meron sa kanila ang may balak lang na ipahamak ka.
Lucky color: Purple
Lucky number: 11

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka na kumontra sa mga nangyayari sa iyong paligid. Mas mabuting sumabay ka na lang sa agos at alamin kung ano ang magiging resulta nito.
Love:
Couples: Mukhang napapadalas na ang pagsama mo sa iyong mga kaibigan at mukhang may chance na magtampo sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Kung hindi na nakakatulong sa pagprogress mo ang isang tao, marahil ay panahon na para magpaalam ka sa kanya.
Lucky color: Cream
Lucky number: 19

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Simpleng tao ka lamang kaya naman hindi ka masyadong nakakasabay sa mga relasyon na complicated.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga magkaroong isang relasyon, maging socially available ka. Labas-labas din pag may time.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, mas mabuting sundin mo na lamang ang iyong kutob at hinala.
Love:
Singles: May chance na mahulog ang loob mo sa isang tao ngayong araw. Pero mag-ingat ka dahil may posibilidad na ang kaibigan mo pala ang gusto niya.
Money/Career:
Kung wala ka pang trabaho, may posibilidad na may dumating sa iyo na isang job offer mula sa iyong kakilala.
Lucky color: Violet
Lucky number: 9

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong madaliin ang iyong mga gawain. Mas mabuting magfocus ka sa mga ito para hindi ka masyadong magkamali.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Ilibre mo siya sa isang dinner.
Money/Career:
Huwag ka na magpastress sa iyong mga katrabaho lalo na kung sila naman ang may kasalanan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 2

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, pero ayos lang iyon lalo na kung nangungulit ka lang naman.
Love:
Singles: Kung may taong nagkasala sa iyo at nagsorry naman siya, mas mabuting patawarin mo na siya sa kanyang nagawa.
Money/Career:
Mukhang makakaisip ka na ng sagot lalo na kung confused ka sa status ng iyong career.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7

Haunted Forest: Where did it Fail?

‘Meant to Beh’: A Film with Identity Crisis