Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maganda ang araw na ito para ipakita mo sa lahat kung ano ba talaga ang tunay mong kakayahan. Pabilibin mo sila.
Love:
Couples: Mukhang may taong manggugulo sa inyong relasyon at nakasalalay sa iyo kung magtatagumpay ba siya o hindi.
Money/Career:
Okay lang naman na gumastos ka ngayong araw, basta siguraduhin mo lang na hindi mo itatambak ang iyong bibilhin.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung nahihirapan ka sa isang bagay, humingi ka ng payo sa isang tao na talaga namang pinagkakatiwalaan mo.
Love:
Couples: Maaaring pigilan mo ang iyong partner sa kanyang gagawin, lalo na kung sa tingin mo ay hindi ito makakabuti sa kanya.
Money/Career:
Maaaring may mga maliliit na problema na magpakita sa iyong trabaho, pero makakaya mo naman ang mga ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makinig ka sa mga payo na sinasabi sa iyo ng iyong mga magulang. Sundin mo sila dahil mas may experience na sila kaysa sa iyo.
Love:
Singles: Makikita mo rin ang taong nakalaan para sa iyo, kaya naman habaan mo lang ang iyong pasensiya. Tiwala lang.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang kinikita mo, marahil ay panahon na para humanap ka ng sideline.
Lucky color: Green
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magiging creative ka ngayong araw, kaya naman papabor ang araw na ito lalo na sa mga taong mahilig sa arts and crafts.
Love:
Couples: Mukhang may makikita kang sign ngayong araw na magsasabi kung dapat mo pa bang ipagpatuloy ang inyong relasyon o itigil na ito.
Money/Career:
Sundin mo muna ang sinasabi ng iyong mga magulang. Gawin mo ito kahit na medyo labag ito sa iyong kalooban.
Lucky color: Black
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, kaya naman huwag ka na magdalawang-isip pa at baka maunahan ka ng iba.
Love:
Singles: Lumabas-labas ka kasi para naman makita mo na ang taong nakalaan para sa iyo. Huwag palaging taong-bahay.
Money/Career:
Maging energetic ka lang sa iyong trabaho at siguradong mahahawaan mo rin ang mga tamad mong kasama.
Lucky color: Orange
Lucky number: 29
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang maganda ang araw na ito para gumimik ka kasama ng iyong barkada. Huwag lang magpagabi masyado ng uwi.
Love:
Couples: Kung naging busy kayo kamakailan ng iyong partner, marahil ay ilaan ninyo muna ang araw na ito para bumawi sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang madadagdagan na naman ang iyong mga gastusin, kaya mas mabuting iwasan mo munang pumunta sa mall.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman may chance din na hindi ka makapagfocus sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago mula sa iyong partner. Ikaw lang ang makakapagsabi kung mabuti ba ito o hindi.
Money/Career:
Hindi naman ikaw ang may gawa ng problema, pero ikaw naman ang naaapektuhan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may nagawa kang masama sa iyong kapwa, humingi ka kaagad ng sorry para hindi ka na konsensiyahin.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, pero malas niya lang at wala kang pagtingin sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Black
Lucky number: 29
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Unahin mo munang gawin ang mga bagay na inutos sa iyo para maaga ka matapos. Hindi ito ang tamang oras para magpetiks ka.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, maaaring masira ang inyong relasyon at may malaking chance na may kinalaman dito ang ibang tao.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na magkatotoo ang iyong pangarap na makapag-abroad.
Lucky color: Rose
Lucky number: 13
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang marami ang nagbabago sa iyong paligid kaya naman dapat ay mabilis kang makapag-adjust kung ayaw mong mapag-iwanan.
Love:
Couples: Kung may problema kayo, pag-usapan ninyo ito nang mabuti. Hindi makakabuti kung palagi na lang kayong nagsisigawan.
Money/Career:
Umaksyon ka na kaagad lalo na kung gusto mong makauwi nang maaga at makapagpahinga.
Lucky color: White
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong hayaang mawala ang iyong focus sa iyong mga gawain. Hindi ka magiging productive kung nasa malayo palagi ang iyong isip.
Love:
Couples: Maaaring panalo ka nga sa inyong argumento, pero magtatampo naman sa iyo ang iyong partner dahil dito.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring maubos ang iyong sahod at mapipilitan kang umutang ng pera sa iba.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Alagaan mo ang iyong katawan. Huwag mong pabayaan ang iyong sarili kahit na sobrang busy mo.
Love:
Singles: Hayaan mo lang ang ibang tao sa gusto nilang isipin tungkol sa iyo. Gawin mo lang ang mga bagay na magpapasaya sa iyo.
Money/Career:
Panahon na para patawarin mo ang isang tao para magkaroon ka na rin ng peace of mind.
Lucky color: Orange
Lucky number: 29

