Aries (Mar 21 – Apr 19)
Okay lang na tumulong ka sa ibang tao, pero dapat ay marunong ka ring tumanggi lalo na kung feeling mo ay inaabuso ka na nila.
Love:
Couples: Kung may tampuhan man kayong dalawa ngayong araw, huwag ninyong hayaang matapos ang raw na hindi kayo nag-uusap.
Money/Career:
Mas mabuti na huwag ka na muna makisali sa problema ng ibang tao lalo na kung ayaw mong madamay rito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 1
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung magkakaroon man ng problema ngayong araw, huwag ka na masyadong mapraning dahil lilipas din naman ito kaagad.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano mo siya kamahal. Hindi sapat na sinasabi mo lang ito.
Money/Career:
Kung feeling mo ay hindi mo kayang tapusin ang iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba. Ilibre mo sila pagkatapos.
Lucky color: Gold
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, kaya naman magiging sakit ka sa ulo ng ibang tao.
Love:
Couples: Kung hindi mo susundin ang iyong partner, mahihirapan lang siya sa inyong relasyon lalo na kung hindi ka mapagsabihan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Umiwas ka muna sa kahit anong klase ng sugal ngayong araw dahil may malaking chance na malasin ka lang.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. Bigyan mo siya ng regalo lalo na kung naging behave naman siya this week.
Money/Career:
Lahat naman tayo ay pagod sa trabaho, kaya naman mas mabuting intindihin mo na lang ang ibang tao.
Lucky color: Red
Lucky number: 30
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may mga iuutos sa iyo ngayong araw na biglaan. Kaya dapat mabilis kang mag-isip at umaksyon tungkol dito.
Love:
Couples: Kung medyo bored ka na sa inyong relasyon, subukan mong baguhin ang iyong outfit at sorpresahin mo ang iyong partner.
Money/Career:
Kung talagang gusto mong makuha ang isang posisyon, dapat ipakita mo sa iyong boss na talagang deserve mo ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mong kalimutan na alagaan ang iyong sarili. Huwag laging puro trabaho dahil magkakasakit ka lang lalo niyan.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, huwag mong kalimutan na magparamdam sa kanya lalo na kung talagang type mo siya.
Money/Career:
May malaking chance na may makuha kang pera ngayong araw mula sa isang hindi inaasahang tao.
Lucky color: Grey
Lucky number: 7
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na sumakit ang tiyan mo lalo na kung kakain ka sa labas.
Love:
Singles: May malaking chance na makasama mo ang iyong crush ngayong araw. Ito na ang pagkakataon mo para maging close sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi ka magfofocus sa iyong trabaho, may chance na magkamali ka sa iyong mga gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 8
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang pupuntahang event ngayong araw, may chance na mapahiya ka sa maraming tao kaya naman mag-ingat ka.
Love:
Singles: Mukhang crush din ng iyong kaibigan ang iyong crush at may malaking chance na mag-away kayo dahil dito.
Money/Career:
Iwasan mo na ang pagiging tamad sa trabaho, lalo na kung gusto mo ng promotion.
Lucky color: Cream
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking chance na magkaroon ka ng problema habang bumibyahe, kaya naman gumawa ka na ng back-up plan.
Love:
Couples: Intindihin mo naman ang iyong partner. Isipin mo na may mga problema rin siya kaya naman habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong sense of humor lalo na kung gusto mong maging close sa iyong mga boss.
Lucky color: Black
Lucky number: 21
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Bigyan mo ang isang tao ngayong araw ng second chance, lalo na kung deserve niya naman ito. Dapat lang ay itama na niya ang kanyang mga maling nagawa sa iyo.
Love:
Singles: May chance na magkabalikan kayo ng iyong ex, lalo na kung pareho pa rin kayong single.
Money/Career:
Mukhang mamalasin ka sa iyong trabaho ngayong araw lalo na kung madedelay ang iyong mga gawain dahil sa isang tao.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang pupuntahang party, huwag mong kalimutang magpaalam lalo na kung ayaw mong mapagalitan pag-uwi mo.
Love:
Singles: Mukhang charming ka naman pero kung hindi talaga para sa iyo ang isang tao, huwag mo na siyang pilitin.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may mag-offer sa iyo ng trabaho ngayong araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka masyadong maglaan ng maraming oras sa iyong career dahil marami pang bagay ang dapat mong bigyan ng atensyon.
Love:
Couples: Mukhang stressed ngayong araw ang iyong partner kaya naman gawin mo ang lahat para marelax siya.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho. Huwag ka na makipagkwentuhan lalo na’t may hinahabol kang deadline.
Lucky color: Grey
Lucky number: 13

