Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang makakagawa ka ng tamang desisyon ngayong araw at magdudulot ito sa iyo ng swerte buong linggo.
Love:
Couples: Kung masaya ka sa inyong relasyon, ipapatuloy mo lang ito. Pero kung napipilitan ka lang, mas mabuting itigil na lamang ito.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na makapagtrabaho ka abroad lalo na kung meron kang kakilala doon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang mas mapapadali ang iyong mga gawain kung maghahanap ka ng taong makakapartner mo sa mga ito.
Love:
Couples: Suportahan mo muna ang iyong partner lalo na kung meron siyang pagsubok na pinagdaraanan.
Money/Career:
Huwag mong maliitin ang iyong sariling kakayahan. Magtiwala ka sa iyong angking galing.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kaya mo namang harapin nang mag-isa ang iyong mga problema. Kailangan mo lang maging matapang sa pagharap sa mga ito.
Love:
Couples: Kung meron kayong problema, pag-usapan ninyo ito. Huwag ninyong idaan sa pagtatampo palagi ang inyong hindi pagkakaintindihan.
Money/Career:
Mukhang maganda ang araw na ito para simulan mo ang isang bagong bagay.
Lucky color: Brown
Lucky number: 29
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mong magfocus lalo na kung gusto mong makatapos kaagad sa iyong mga gawain. Huwag palipad-lipad ang isip.
Love:
Singles: Kung hindi ka sigurado kung tama ba ang ginagawa mo, huwag kang mahiyang magtanong sa iyong best friend tungkol dito.
Money/Career:
Kung magiging vocal ka sa iyong trabaho, madali mong macoconvince ang iba na talagang may confidence ka.
Lucky color: Orange
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Panahon na para gumawa ka ng desisyon. Kahit na mukhang risky ito, ito lang ang opportunity mo para maging successful ka.
Love:
Couples: Magrelax muna kayong dalawa at ienjoy ang araw na ito. Pwede kayong manood ng sine o kaya’y kumain sa labas.
Money/Career:
Magaling ka namang humawak ng pera, pero hindi naman masama na ilibre mo ang iyong sarili paminsan-minsan.
Lucky color: Black
Lucky number: 8
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mong kalimutang icheck ang iyong inbox dahil may malaking chance na may makuha kang good news ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong malungkot kung hindi mo man magawa ang gusto ng iyong partner. Maiintindihan naman niya ito.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para palawakin mo ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Purple
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maganda ang araw na ito para irelax muna ang iyong isip. Huwag ka muna magpastress para kahit papaano ay gumanda ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Mukhang hindi sang-ayon ang iyong partner sa mga desisyon na gagawin mo. Mas mabuting pag-aralan ninyo muna ang sitwasyon para magkasundo kayo.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na maging sakitin ka ngayong araw kaya naman huwag ka muna tumanggap ng mabibigat na gawain.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may malaking chance na maging emosyonal ka sa araw na ito, kaya naman mahihirapan kang gumawa ng isang desisyon.
Love:
Couples: Mukhang may mapapansin kang bago sa iyong partner. Magmasid-masid ka muna sa kanya bago mo siya tanungin.
Money/Career:
Kung hindi mo kayang gawin nang mag-isa ang iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba.
Lucky color: Orange
Lucky number: 8
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magiging matino ang iyong isip ngayong araw kaya naman makakagawa ka ng mga tamang desisyon.
Love:
Singles: Huwag kang magpadikta sa gusto ng ibang tao. Gawin mo ang mga bagay kung saan ka tunay na liligaya.
Money/Career:
Mukhang makakatanggap ka ng tulong mula sa isang tao kaya naman gagaan ang iyong trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 5
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang mga gamit na nakatambak na lang, mas mabuting idonate mo na lang ito sa iba para mapakinabangan.
Love:
Couples: Kung gusto mong magtagal ang inyong relasyon, kailangan mong magsakripisyo ng ilang bagay na gusto mo.
Money/Career:
May malaking chance na maging energetic ka ngayong araw kaya naman marami kang matatapos na mga gawain.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 19
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka masyadong mag-alala. Magiging maayos din ang lahat kaya naman kumalma ka lang dahil hindi makakatulong kung lagi kang magpapanic.
Love:
Couples: Panahon na para ayusin ninyo ang inyong relasyon. Kalimutan na ang mga bagay na hindi naman importante.
Money/Career:
May malaking chance na maging hectic ang iyong schedule ngayong araw.
Lucky color: Orange
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Itigil mo muna ang pagbili mo online. Mag-ipon ka muna dahil marami ka pang bagay na dapat paglaanan ng pera.
Love:
Couples: Mahirap man mawalay sa iyong partner, pero tiyak naman na makakaya mo ito lalo na kung may tiwala ka sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na may matanggap kang pera ngayong araw mula sa isang taong hindi mo inaasahan.
Lucky color: Cream
Lucky number: 19

