Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong magtiwala sa isang tao ngayong araw, dahil merong chance na may magawa siyang mali sa iyo.
Love:
Couples: Kahit na anong gawin mo, hindi mo pa rin kayang maalis ang tampo sa iyo ng iyong partner.
Money/Career:
Darating din ang tulong sa iyo. Kailangan mo lang na tatagan ang iyong loob.
Lucky color: Purple
Lucky number: 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung meron kang bagay na gustong gawin, magfocus ka rito para naman hindi masayang ang oras na ibibigay mo rito.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong maging OA sa mga nangyayari sa inyong relasyon. Magrelax ka lang at may solusyon din ang mga problema.
Money/Career:
Mukhang makakakuha ka na ng budget para masimulan mo na ang iyong sariling business.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung magiging patient ka ngayong araw, tiyak na magiging productive din ang araw na ito para sa iyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong partner na kumain sa labas. Huwag mong kalimutan na ilibre siya.
Money/Career:
Baguhin mo ang iyong ugali, lalo na kung marami na ang nagpapayo nito sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magrelax ka lang. Kahit na alam mong mahirap ang iyong ginagawa, hindi makakatulong sa iyo kung magpapanic ka.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner. Huwag kang mag-alala dahil tiyak naman na maganda ito.
Money/Career:
Kung meron kang naitabing pera, mukhang chance mo na ito para bilhin ang isang bagay na matagal mo na gusto.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung masyado kang pagod dahil sa iyong trabaho o mga gawain, huwag ka na magpuyat sa gabi para makabawi ang iyong katawan.
Love:
Singles: Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao, lalo na kung ayaw mong madamay rito sa huli.
Money/Career:
Kung hindi ka confident sa iyong mga gawain, subukan mong humingi ng tulong muna sa iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may chance na magkaroon ng problema sa iyong mga ginagawa. Kapag nakita mo ang mga ito, aksyunan mo na agad at huwag mo na ito idelay pa.
Love:
Couples: Kung malayo sa iyo ang iyong partner, okay lang na mamiss mo siya, pero huwag ka na mag-alala dahil kaya niya naman ang kanyang sarili.
Money/Career:
Kahit na gusto mong maging successful sa iyong trabaho, may ilang tao talaga na pipilitin na kontrahin ka.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may bagay ka na magagawan ng solusyon ngayong araw, kaya naman marami ang talaga namang bibilib sa iyo.
Love:
Singles: Hindi porke marami kayong pagkakatulad ay kayo na ang nakatadhana sa isa’t-isa. Huwag masyadong umasa at baka masaktan ka lang.
Money/Career:
May taong magpapasalamat sa iyo dahil sa tulong na binigay mo sa kanya.
Lucky color: Green
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag masyadong mainitin ang ulo. Pakalmahin mo ang iyong sarili para naman maging tama ang iyong mga gagawing desisyon.
Love:
Couples: Huwag ka na mainsecure sa iyong partner. Pero kung gusto mong magmuni-muni muna, gawin mo ito.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, mauubos ang iyong pera at mapipilitan kang umutang sa ibang tao.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 20
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Panahon na para itigil mo muna ang pagbili online. Huwag kang masyadong magpadala sa sales na nakikita mo.
Love:
Singles: Kung may taong nakikipagflirt sa iyo, huwag mo muna siya pagbigyan. Itest mo muna at baka pinagti-tripan ka lang niya.
Money/Career:
Kung meron kang job interview, tandaan mo na dapat lagi kang confident sa iyong mga sagot.
Lucky color: Orange
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang mahihilig ka sa mga bagay na kakaiba ngayong araw, lalo na kung masyadong bored ka na sa iyong mga ginagawa.
Love:
Couples: Kung totoo naman ang feelings ninyo para sa isa’t-isa, wala kang dapat na ipangamba sa inyong relasyon.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa iyong trabaho, may ilan sa iyong mga kasama ang talagang naiinggit sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kahit na ano ang mangyari, manalo man o matalo, ang pinakamahalaga ay sinubukan mo at hindi ka umatras.
Love:
Couples: Mukhang may problema kayong haharapin sa mga susunod na araw, kaya naman kailangan ninyong maging matatag.
Money/Career:
Kung meron kang subordinates, subukan mong makipagbonding sa kanila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung marami ka pang kailangan na gawin, unahin mo na muna ang mga ito at huwag ka na magsayang pa ng oras.
Love:
Couples: Kung lagi mo na lamang kukulitin ang iyong partner, tiyak na maiinis siya sa iyo at hindi mo ito magugustuhan.
Money/Career:
Bago ka gumawa ng isang bagay, isipin mo muna kung paano mo ito didiskartehan.
Lucky color: Green
Lucky number: 12

