in ,

Daily Horoscope: May 29, 2018 – Tuesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may problema sa iyong pamilya, ayusin mo ito kaagad para hindi na ito makaapekto pa sa iyong mga gawain.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para aminin mo sa iyong crush na meron kang pagtingin sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na may matanggap kang pera mula sa isang tao na hindi mo inaasahan.
Lucky color: Green
Lucky number: 17

Taurus (Apr 20 – May 20)
Umiwas ka muna sa stress ngayong araw. Lumayo ka muna sa mga taong nagdudulot lang ng problema sa iyo.
Love:
Couples: Kung gusto mong lambingin ka ng iyong partner, sabihin mo ito sa kanya dahil baka hindi siya talaga aware.
Money/Career:
Huwag kang maingay sa iyong trabaho dahil may malaking chance na may maistorbo ka.
Lucky color: Purple
Lucky number: 9

Gemini (May 21 – Jun 20)
Magmuni-muni ka muna ngayong araw. Umiwas ka muna sa social media at bigyan mo ng panahon ang iyong sarili.
Love:
Couples: Merong point ang iyong partner sa kanyang sinasabi kaya naman makinig ka sa kanya kahit minsan lang.
Money/Career:
Mukhang makakatanggap ka ng magandang advice mula sa isang tao na close mo.
Lucky color: Black
Lucky number: 15

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka na masyadong mag-alala tungkol sa isang bagay. Magiging maayos din ang lahat sa huli kaya naman magrelax ka lang.
Love:
Couples: Mag-usap kayo ng iyong partner lalo na kung meron kayong hindi pagkakaintindihan. Huwag ninyo na palakihin pa ang inyong away.
Money/Career:
Mukhang maganda ang araw na ito para simulan mo ang isang bagay na dapat ay matagal mo na nagawa.
Lucky color: orange
Lucky number: 3

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magiging energetic ka ngayong araw, kaya naman marami kang gawain na matatapos. Magkakaroon ka tuloy ng oras para makapagpahinga.
Love:
Couples: Maganda ang privacy sa isang relasyon. Huwag mong pilitin ang iyong partner sa mga bagay na ayaw niyang sabihin sa iyo.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong sense of humor para maging close ka sa iyong mga boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 28

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung merong tao na nagsuggest sa iyo ng isang bagay, huwag mo itong tanggihan lalo na kung kaya mo naman itong gawin.
Love:
Singles: Dapat ay maging confident ka lagi sa iyong sarili para naman gumanda ang aura mo sa ibang tao.
Money/Career:
Okay lang na itreat mo ang iyong sarili ngayong araw, lalo na kung naging maganda ang iyong performance sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 1

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo na sayangin ang oras mo sa mga bagay na hindi naman gaano kaimportante. Magconcentrate ka sa mga bagay na dapat mong gawin.
Love:
Couples: May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman mahihirapan sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Kung meron kang meeting, mas maganda kung magsusuot ka ng kulay puti para gumanda ang tingin nila sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 27

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Okay lang naman na ibigay mo ang iyong opinyon, pero huwag mo itong ipilit sa ibang tao para hindi sila mainis sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang magiging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung merong malungkot na balita ang iyong partner para sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka mangutang sa ibang tao para mabili mo lang ang isang bagay.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 3

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Makinig at magtiwala ka muna sa iyong mga kutob at hinala, dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Huwag ka mawalan ng pag-asa. Nandyan lang ang taong nakatadhana para sa iyo, kaya naman habaan mo ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Huwag mong pansinin ang sinasabi ng ibang tao lalo na kung puro panlalait lang ang laman ng kanilang bibig.
Lucky color: Black
Lucky number: 25

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Gamitin mo ang iyong charm sa ibang tao para humingi ng favor sa kanila, lalo na kung kailangan mo talaga ng tulong.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para gumala ka kasama ng iyong mga kaibigan. Ienjoy mo lang ang araw kasama sila.
Money/Career:
Madali mong masosolusyunan ang isang problema sa iyong trabaho, kaya naman marami ang matutuwa sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 6

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Palibutan mo ang iyong sarili ng mga taong may care talaga sa iyo. Huwag mo na intindihin ang iba.
Love:
Couples: Supportive naman ang iyong partner, kaya huwag kang mahiyang sabihin sa kanya ang iyong mga problema.
Money/Career:
Intindihin mo na lamang ang iyong mga kasama, lalo na kung hindi nila kaagad magets ang sinasabi mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 18

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging busy ka sa araw na ito, kaya naman hindi ka masyadong makakagawa ng mga bagay na gusto mo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong OA sa inyong relasyon. Magrelax ka lang at huwag agad iinit ang iyong ulo sa mga maririnig mo sa ibang tao.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 7

Comments

“Meteor Garden” 15 Years Later: Reboot VS. Original

WATCH: Migz Haleco performs ‘Kapag Ika’y Nagmahal’