Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang bagay, dapat ay itigil mo na ito dahil maaaring mas lalo lang itong makasama sa iyo.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang ikinikilos ng iyong partner, subukan mo siyang tanungin para malaman mo kung ano ang isasagot niya.
Money/Career:
Kung hindi ka na sa masaya sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para lumipat ka sa iba.
Lucky color: Black
Lucky number: 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung gusto mong makatulong sa iyong kapwa, sumali ka sa isang volunteer work. Marami ka pang matututunang iba’t-ibang bagay rito.
Love:
Couples: Kung hindi ka na masyadong masaya sa inyong relasyon, sabihin mo ito sa iyong partner para naman magawan ninyo ito ng paraan.
Money/Career:
KUng masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting umabsent ka muna sa iyong trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 3
Gemini (May 21 – Jun 20)
Tandaan mo, hindi lahat ng iyong kaibigan ay totoo sa iyo. Ang iba sa kanila ay meron lamang kailangang bagay sa iyo.
Love:
Couples: Subukan mong kulitin ang iyong partner ngayong araw. Tingnan mo ang magiging reaksyon niya sa gagawin mo.
Money/Career:
Kailangan ay maging strict ka sa iyong sarili. Panahon na para maging disiplinado ka.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring maging busy ka ngayong araw, pero magagawa mo naman ang mga bagay na kailangan mo. Hectic man, magiging maayos din ang lahat.
Love:
Couples: Kung hindi ka na masyado nakakapaglaan ng panahon sa iyong partner, gamitin mo ang araw na ito para bumawi sa kanya.
Money/Career:
Mukhang may kailangan kang gawin ngayong araw. Huwag mo na ito ipagpaliban pa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Okay lang naman na sundin mo ang opinyon ng ibang tao. Pero kung maging mali ito, huwag mo naman isisi ang lahat sa kanila.
Love:
Singles: Mukhang may tao kang nagugustuhan. I-push mo lang iyan dahil may malaking chance na maging bagay kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kailangan ay mabilis kang mag-isip para naman masolusyunan mo ang isang problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Ingatan mo ang iyong mga salita ngayong araw, dahil may malaking chance na may masabi kang sikreto sa ibang tao.
Love:
Couples: Kung may tampo sa iyo ang iyong partner, subukan mo siyang ipasyal sa kanyang paboritong lugar at baka mawala ang inis niya sa iyo.
Money/Career:
Magrelax ka lang. Kung magpapanic ka, mas lalong wala kang matatapos niyan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 4
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka muna sumubok ng mga bagay na bago para sa iyo. Doon ka muna sa subok na para hindi ka na mangamba.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet sa iyong partner. Pwede mo siyang regaluhan o kaya’y bigyan ng isang sorpresa.
Money/Career:
Mukhang may chance ka na makapagtrabaho abroad, kaya naman ayusin mo na ang requirements mo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may oportunidad na darating sa iyo, pero kailangan mong magmadali dahil minsan lang ito dumating sa buhay mo.
Love:
Couples: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong partner, lalo na kung napapansin mo na marami na siyang hobbies sa ngayon.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na may taong magsumbong sa iyo sa iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magrelax ka muna ngayong araw. Ilayo mo muna ang sarili mo sa mga bagay na makakapagdulot sa iyo ng sobrang stress.
Love:
Couples: Kung hindi kayo nagkakaintindihan ng iyong partner, mas mabuti kung mag-uusap kayo pero gawin ninyo ito kapag malamig na ang inyong mga ulo.
Money/Career:
Huwag ka na magalit sa mga pagkakamali ng iyong mga kasama. Tiyak naman na hindi nila ito sinasadya.
Lucky color: Red
Lucky number: 16
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maaaring may marinig ka na mga tsismis galing sa ibang tao. Bago mo paniwalaan ang mga ito, mag-isip-isip ka muna.
Love:
Couples: Huwag mo na ipressure ang iyong partner. May mga bagay talaga na hindi mo dapat minamadali.
Money/Career:
Huwag mong takasan ang iyong mga gawain. Mas mabuti kung uumpisahan mo agad ang mga ito para maaga ka ring matapos.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang hidden talent, ito na ang tamang panahon para idevelop mo ito at ishare sa maraming tao.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong malungkot kung hindi ka makakasama sa isang outing o event. Isipin mo na lang, makakatipid ka.
Money/Career:
May malaking chance na may makuha kang pera ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Subukan mong ishare sa isang kaibigan ang mga bagay na bumabagabag sa iyo. Maaaring may maibigay siyang magandang payo sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka mahiyang kausapin ang ibang tao lalo na kung nasa isang event o party ka. Isang simpleng hello ay pwede na.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para ikaw ay maghanap ng sideline.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 26

