Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may problema ka sa isa mong kamag-anak, subukan mo itong ishare sa iyong pamilya para magawan nila ito ng aksyon.
Love:
Couples: Kahit na maging kumplikado ang lahat, tandaan ninyo na magiging mas matatag kayo kapag nalampasan ninyo ito.
Money/Career:
Huwag mong kalimutang magpasalamat sa mga taong tumutulong sa iyo, mas lalo na kung biglaan.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kahit na palagi kang kinokontra ng ibang tao, madalas namang tama ang mga ginagawa mo kaya ituloy mo lang iyan.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magpakapagod sa iyong trabaho, lalo na kung hindi ka na gaano nakakapaglaan ng oras sa iyong partner.
Money/Career:
Kung gusto mo na kumalas sa isang partnership, mabuting gawin mo na ito habang maaga pa.
Lucky color: Green
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna magdecide sa ngayon. Pag-isipan mo pa muna para makasigurado ka sa iyong gagawin. Marami ka pa namang oras.
Love:
Singles: Kung gusto mo na talagang magka-love life, subukan mong tanungin ang mga pinsan mo at baka meron silang kakilala na type mo.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto at baka manalo ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang ito na ang tamang panahon para magpasya ka kung tatanggapin mo ang offer sa iyo at baka maunahan ka pa ng iba.
Love:
Singles: Huwag mo muna siya husgahan lalo na kung hindi mo naman talaga siya kilala. Malay mo, magugustuhan mo rin pala siya sa huli.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, subukan mong lumapit sa isa mong kamag-anak at baka meron siyang magandang balita sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 17
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna masyadong mag-expect ng malaki. Kung ano man ang darating sa buhay mo, mas mabuting tanggapin mo na lang ito.
Love:
Singles: Mukhang may chance na may taong makipagflirt sa iyo. Mag-isip ka muna at baka may iba lang siyang kailangan sa iyo.
Money/Career:
Kung hindi ka satisfied sa iyong career, siguro ay panahon na para magsimula ka ulit at alamin ang mga bagay kung saan ka nagkamali.
Lucky color: Brown
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kahit na maganda naman ang hangarin mo, mas mabuting huwag ka na lamang makialam sa problema ng ibang tao.
Love:
Couples: Habaan mo na lamang ang pasensiya mo sa iyong partner, lalo na kung sobrang pasaway niya ngayong araw.
Money/Career:
Mukhang maiinggit sa iyo ang ilan sa iyong mga kasama lalo na kung meron kang nagawa na talaga namang nakakamangha.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung kaya mong aksyunan ang isang bagay ngayong araw, gawin mo na ito. Huwag mo na ito ipagpabukas pa at baka mag-iba ang ihip ng hangin.
Love:
Couples: Kung hindi mo sigurado kung tama ba ang ginagawa mo, subukan mong humingi ng advice sa mga ka-close mo.
Money/Career:
May chance na maging hectic ang araw na ito, pero matutuwa ka naman dahil dito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mas mabuting sundin mo muna ang sinasabi ng iyong mga kutob at hinala ngayong araw, dahil may chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para pumasok sa isang relasyon. Tandaan mo lang na bago mo gawin ito, magpaalam ka muna sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyante na merong part-time job.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 19
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung kakaiba ang kinikilos ng mga tao sa iyong paligid, baka naman merong kakaiba sa iyo kaya ganun ang reaksyon nila.
Love:
Couples: Huwag mo icompare ang relasyon ninyo sa ibang tao. Huwag kang magpapressure sa mga sinasabi nila sa inyo.
Money/Career:
Mukhang may chance na magkamali ang isa sa iyong mga kasama at ikaw ang pinakamaaapektuhan dito.
Lucky color: Red
Lucky number: 26
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Para hindi ka malito kung ano ang dapat mong unahin, subukan mong gumawa ng schedule na madali mong masusundan.
Love:
Singles: Huwag ka na magpaapekto sa nakaraan. Magfocus ka na lamang sa nangyayari sa ngayon at sa iyong hinaharap.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 26
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung merong suggestion sa iyo ang isang tao, maging open-minded ka at subukan mong gawin ang sinasabi niya.
Love:
Couples: Kahit na mahirap ang sitwasyon ninyo sa ngayon, malalampasan ninyo ito lalo na kung magkasama ninyo itong haharapin.
Money/Career:
Bago mo bilhin ang isang bagay, isipin mo muna kung pwede mo pa itong i-delay para naman makatipid ka.
Lucky color: Violet
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nangyari na ang isang bagay, mostly ay wala ka na talagang magagawa. Pero meron ka pa ring kakayahan na gawing positive ang isang negative na bagay.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong demanding sa iyong partner. May mga kailangan din siyang asikasuhin kaya intindihin mo na lamang siya.
Money/Career:
Kung hindi bilib sa kakayahan mo ang ibang tao, ito na ang chance mo para patunayan sa kanila na kaya mo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 4