Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magtipid ka na muna ngayong araw. Huwag ka muna pumunta sa mall dahil tiyak na mapapagastos ka lang.
Love:
Couples: Mukhang may taong gustong sumira sa inyong relasyon. Huwag mo siyang hayaang magtagumpay sa kanyang gagawin.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 23
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka matakot na gawin ang isang bagay. Humingi ka ng tulong sa iba kung hindi ka talaga sure na kaya mo ito.
Love:
Singles: May chance na magkaroon ka ng feelings sa iyong kaibigan, lalo na kung lagi na lang siya ang nasa iyong isipan.
Money/Career:
May malaking chance na magbago ka ng trabaho, lalo na kung toxic talaga ang iyong mga kasama.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka masyadong malungkot kung matatapos na ang isang bagay. May darating naman na bago kaya maging positive ka lang.
Love:
Couples: Huwag ka mawalan ng pag-asa sa iyong partner. Ibigay mo na lang sa kanya ang iyong suporta para naman ganahan siya.
Money/Career:
Kung hindi mo agad aayusin ang isang bagay, tiyak na magiging mas malala lamang ito kalaunan.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 20
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Subukan mong gawin ang isang suggestion sa iyo ng iyong kaibigan. Maaaring magustuhan mo ito at maging maganda ang iyong mood.
Love:
Couples: Kung gusto mo talagang maging maayos ang inyong relasyon, dapat ay hindi mo pinapairal masyado ang iyong ego.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hindi ka sang-ayon sa isang bagay, sabihin mo ito kaagad. Para maaga pa lang, alam na ng ibang tao ang iyong nararamdaman.
Love:
Singles: Mukhang nasa malapit lang ang taong nakalaan para sa iyo, pero mukhang hindi ka pa handa para pumasok sa isang relasyon.
Money/Career:
May malaking chance na may makuha kang pera ngayong araw, kaya naman mabibili mo ang isang bagay na gusto mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang marami kang matutulungan ngayong araw, kaya naman marami ring tao ang magpapasalamat sa iyo.
Love:
Couples: Patawarin mo na ang iyong partner lalo na kung may nagawa siyang kasalanan sa iyo. Maaaring hindi naman niya ito sinasadya.
Money/Career:
Mag-isip ka muna bago mo bilhin ang isang bagay para hindi ka basta-basta mawawalan ng pera.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may taong galit sa iyo pero hindi mo alam kung bakit, subukan mong harapin siya at tanungin kung ano ba ang problema niya sa iyo.
Love:
Couples: Mas mabuting huwag na lang muna kayong umalis ngayong araw at magpahinga na lamang sa inyong bahay.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung nangako ka sa isang tao, tuparin mo ito at huwag kang umatras. Huwag ka na gumawa pa ng kahit anong palusot.
Love:
Couples: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw at baka masorpresa mo ang iyong partner.
Money/Career:
Kahit na satisfied ka sa iyong trabaho, tandaan mo na may chance pa rin na mag-improve ang iyong career.
Lucky color: Silver
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mas mabuti kung magtitiwala ka muna sa sinasabi ng iyong mga kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Singles: Subukan mong patawanin ang taong nagugustuhan mo at baka gumaan ang loob niya sa iyo.
Money/Career:
Kung hindi na talaga maganda ang nararanasan mo sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para magresign ka.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung aalis ka, agahan mo dahil may chance na mahirapan kang sumakay lalo na kung magcocommute ka lang.
Love:
Couples: Hayaan mo muna ang iyong partner sa kanyang gustong gawin. Marerealize din naman niya kung tama o mali ito.
Money/Career:
Mukhang may magbabago sa iyong mga plano ngayong araw, kaya kailangan mong makapag-adjust kaagad.
Lucky color: Cream
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may gagawin ka, gawin mo na agad ito dahil tiyak na tatamarin ka na naman at wala ka ulit magagawa.
Love:
Couples: Kung may plano na kayong magpakasal, tandaan ninyo na dapat ay sigurado na kayo para hindi masayang ang inyong pera.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong busy sa kanilang research.
Lucky color: Red
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka masyadong mayabang, lalo na kung talagang may alam ka sa isang bagay. Maging humble ka lang palagi.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa para pumasok sa isang relasyon, huwag mong ipressure ang iyong sarili.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong mga kaibigan at gumala muna kasama sila.
Lucky color: Green
Lucky number: 2