Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mo na iwasan ang isang issue sa buhay mo. Harapin mo na ito para naman makamove on ka na at hindi na mahirapan pa.
Love:
Couples: Kung masyado kang stressed ngayong araw, subukan mong tanungin ang iyong partner kung pwede siyang magmasahe sa iyo.
Money/Career:
Malaki ang chance na maging maswerte ka ngayong araw lalo na kung may kinalaman sa pagtravel ang iyong trabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Bago ka magsalita sa ibang tao, siguraduhin mo muna na hindi mo pagsisisihan ang mga sasabihin mo sa kanya.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo, kaso hindi mo siya napapansin dahil nakafocus ka sa ibang tao.
Money/Career:
Ayusin ninyo na kaagad ang problema lalo na kung maliit pa lamang ito.
Lucky color: Gold
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kahit gaano kahirap ang iyong sitwasyon, ngumiti ka pa rin. Manatiling positive at magiging maayos din ang lahat.
Love:
Couples: Huwag mo na pahirapan pa ang iyong partner. Kung nagsorry siya, patawarin mo na siya sa kanyang nagawa.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa pagtanggap ng ilang offers dahil may chance na malugi ka rito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang mag-alala. Makakaisip ka rin ng solusyon para sa iyong problema. Sa ngayon, magtanong-tanong ka muna sa iba.
Love:
Couples: Kung meron kang problema sa iyong pamilya, mas mabuting ayusin mo ito para naman hindi ito makaapekto sa iyong partner.
Money/Career:
Huwag mong hayaang kontrolin ka ng ibang tao, lalo na kung hindi mo naman trabaho ang pinapagawa nila.
Lucky color: Green
Lucky number: 20
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Meron kang kaibigan na palagi mong pinupuntahan sa tuwing may problema ka. Kaya naman huwag mo siyang kalimutan kapag siya naman ang may problema.
Love:
Singles: Mukhang may chance na may taong magflirt sa iyo ngayong araw.
Couples: May malaking chance na ma-enjoy ninyo ang araw na ito, lalo na kung meron kayong puputahan na espesyal.
Money/Career:
Huwag mo na lamang pansinin ang haters mo at magfocus ka na lamang sa iyong mga trabaho.
Lucky color: Silver
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kahit na hindi mo ito gusto, may mga tao talaga na kukulitin ka para makibalita sa mga ginagawa mo.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, huwag mong kalimutan na bigyan siya ng sign para naman mapansin niya ito.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka ulit ngayong araw kaya naman gawin mo ang lahat para makapagbudget nang tama.
Lucky color: Orange
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag kang mahiya na iexpress ang sarili mo sa ibang tao, lalo na kung ayaw mong magkamali sila ng tingin sa iyo.
Love:
Couples: Hindi mo naman kasalanan kung masyado kang busy sa iyong trabaho. Siguraduhin mo na lamang na kaya mo pa ring lambingin ang iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Hindi mo man maintindihan ang mga mangyayari ngayong araw, mas makakabuti sa iyo kung susunod ka na lamang sa agos.
Love:
Couples: Importante ang privacy sa isang relasyon. Hindi lahat ng bagay ay dapat mong alamin sa iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kailangan mong magmadali ngayong araw, lalo na kung meron kang deadline na hinahabol. Huwag ka muna magpadistract sa ibang tao o bahay.
Love:
Couples: Pagbigyan mo namang manalo sa isang argument ang iyong partner para hindi siya palaging nagtatampo sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang matatanggap na pera ngayong araw, huwag mong kalimutan na magpasalamat lalo na kung hindi mo ito inaasahan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung gusto mong ibahin ang direksyon na iyong tinatahak, huwag kang matakot na gawin ito lalo na kung buo naman ang iyong loob.
Love:
Singles: Kung meron kang pupuntahan na event ngayong araw, huwag kang tamarin na pumunta at baka doon mo na makita ang taong nakalaan sa iyo.
Money/Career:
Maging masipag ka ngayong araw dahil may chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Black
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Marami ka pang dapat na matutunan kaya naman huwag kang magmadali sa mga bagay-bagay. Magfocus ka para naman magawa mo ang mga ito nang maayos.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mag-expect sa isang bagay lalo na kung hindi mo naman ito makokontrol sa umpisa pa lang.
Money/Career:
Maiintindihan ka naman ng iyong boss basta ba magpapaliwanag ka nang mabuti sa kanya.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 14
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nagiging sakitin ka na, mas mabuting alagaan mo ang iyong sarili at huwag mong kalimutan na mag-exercise.
Love:
Couples: Huwag mong pairalin ang iyong ego dahil tiyak na makakasama lang ito sa pag-unlad ng inyong relasyon.
Money/Career:
Subukan mong tapusin ang iyong mga gawain sa umaga pa lang para kahit papaano ay konti na lang ang iyong gagawin sa hapon.
Lucky color: Orange
Lucky number: 3

