in ,

Daily Horoscope: August 16, 2018 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag kang mainip. Habaan mo lang ang iyong pasensiya at tiyak na darating din ang break na matagal mo na hinihintay.
Love:
Singles: Huwag ka muna magconcentrate sa paghahanap ng iyong future partner. Unahin mo munang tulungan ang iyong pamilya.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na may taong magpahiya sa iyo dahil sa iyong nagawa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo na isipin kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa iyo. Kung tama naman ang ginagawa mo, wala kang dapat ipag-alala.
Love:
Singles: Kahit na gusto mo siya, hindi mo pa rin maamin sa kanya ang iyong nararamdaman dahil masyado siyang focused sa ibang tao.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong merong sariling business.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 12

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang naisip, subukan mo muna itong gawin bago mo sukuan at baka maunahan ka lang ng ibang tao.
Love:
Couples: Kung may problema sa pera ang iyong partner, subukan mo muna siyang tulungan para hindi na siya ma-stress.
Money/Career:
May malaking chance na swertehin ka ngayong araw lalo na kung naghahanap ka ng bagong trabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 14

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung palagi na lang sumasakit ang ulo mo sa tuwing kasama mo ang isang tao, marahil ay panahon na para iwan mo siya.
Love:
Singles: Huwag kang malungkot kung hindi mo pa rin nakikita ang taong magmamahal sa iyo. Pero, huwag mong kakalimutan na meron ka pa ring pamilya na susuporta sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang plano na mag-invest sa isang bagay, maganda ang araw na ito para gawin mo iyon.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Panahon na para harapin mo ang isang bagay na matagal mo na iniiwasan. Harapin mo na ito para matapos na lang.
Love:
Singles: Magfocus ka muna sa iyong pamilya. Maganda ang araw na ito para gumawa ng isang activity kasama sila.
Money/Career:
Kung meron kang plano na ilibre ang iyong mga kaibigan, gawin mo ito pero huwag mo masyadong ubusin ang iyong mga naipon.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magfocus ka muna sa iyong mga gawain. Huwag mo muna isipin kung saan ka gagala at kung sino ang mga yayayain mo.
Love:
Couples: Magtiwala ka lang sa iyong partner. Hindi ka naman niya ipapahamak kaya huwag ka na magdalawang-isip pa.
Money/Career:
Mukhang may darating na pagbabago sa iyong trabaho at may chance na maging pabor ito sa iyo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 17

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Pagplanuhan mong mabuti ang iyong mga gagawin bago ka umaksyon para naman may malaking chance na magtagumpay ang mga ito.
Love:
Couples: Subukan mong humingi ng advice sa iyong partner tungkol sa isang bagay na alam mong expert siya.
Money/Career:
May malaking chance na matapos mo ang iyong mga gawain ngayong araw kaya naman magkakaroon ka ng oras para makapagpahinga.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 29

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kahit na gusto mong matapos ang iyong mga gawain, tiyak na may taong iistorbo sa iyo ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong magalit sa iyong partner kung meron siyang nagawang mali. Tiyak naman na hindi niya ito sinasadya.
Money/Career:
Habaan mo na lang ang iyong pasensiya sa iyong trabaho, lalo na kung toxic talaga ang iyong boss.
Lucky color: Black
Lucky number: 17

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magiging maganda ang iyong mood ngayong araw dahil may malaking chance na may taong manlibre sa iyo.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa para pumasok sa isang seryosong relasyon, huwag mong pilitin ang iyong sarili.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa engineering ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 28

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong hayaang madelay ulit ang iyong mga gawain. Magfocus ka sa mga ito para naman hindi masayang ang iyong araw.
Love:
Couples: May malaking chance na makulitan ka sa iyong partner ngayong araw, kaya naman magagawa mo siyang talakan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 8

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Gawin mo na lang busy ang iyong sarili kung gusto mong kalimutan ang isang pangyayari sa iyong buhay.
Love:
Couples: Kung may tampo sa iyo ang iyong partner, subukan mong lutuin ang kanyang favorite na ulam para naman magbati na kayo.
Money/Career:
Kailangan mong galingan sa iyong trabaho, lalo na kung gusto mo talagang makakuha ng promotion.
Lucky color: Red
Lucky number: 12

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka muna magpahiram ng pera sa kahit na sino dahil may malaking chance na hindi ka nila mabayaran.
Love:
Singles: Magfocus ka muna sa iyong pamilya, lalo na kung meron kayong problema na dapat na solusyunan.
Money/Career:
Bago mo bilhin ang isang bagay, isipin mo muna kung magagamit mo ba talaga ito para hindi masayang ang iyong pera.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 12

Comments

‘Goblin,’ other hit Asian Dramas dominate ABS-CBN TVplus this August

4th time this year! Pres. Rodrigo Duterte contemplates stepping down from office