Aries (Mar 21 – Apr 19)
Hindi man maging maganda ang araw na ito para sa iyo, maging positive ka lang at magagawa mo ring makasurvive.
Love:
Couples: Kung may napapansin kang kakaiba sa iyong partner, gawan mo na agad ito ng paraan para hindi na ito lumala pa.
Money/Career:
Huwag mo na lamang gawing kumplikado para sa ibang tao ang kanilang sitwasyon, lalo na kung gusto mo talagang makatulong.
Lucky color: White
Lucky number: 23
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kailangan mo na gumawa agad ng desisyon ngayong araw tungkol sa isang bagay, para naman makausad ka na.
Love:
Couples: Kung feeling mo ay binabalewala ka ng partner mo, sabihin mo ito sa kanya at baka hindi niya ito namamalayan.
Money/Career:
Sa mga susunod na araw, dapat ay maging maingat ka sa iyong mga desisyon para hindi ka mapahamak.
Lucky color: Black
Lucky number: 30
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magfocus ka sa mga gawain mo ngayong araw para naman hindi ka na naman mataranta at mapag-iwanan ng iba.
Love:
Couples: Kung naging parehas kayong busy ng iyong partner, maganda ang araw na ito para bumawi kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung kokontrahin ka ng mga tao sa iyong gusto, alamin mo muna ang dahilan nila kung bakit bago ka magreact.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung nag-eenjoy ka sa iyong mga gawain, kahit paulit-ulit pa ang mga ito ay hinding-hindi mo pagsasawaan ang mga ito.
Love:
Singles: Subukan mong sumama sa isang family gathering para naman makita mo ulit ang ilan sa iyong mga kamag-anak.
Money/Career:
Huwag ka kaagad magagalit sa ibang tao kung pumalpak sila. Mas mabuting gabayan mo sila para hindi na ito maulit.
Lucky color: Cream
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring magulat ka sa maaaring mangyari ngayong araw at may malaking chance na ikatuwa mo naman ito.
Love:
Singles: Kung gusto mong mapalapit sa taong nagugustuhan mo, subukan mong kilalanin siya nang husto.
Money/Career:
Bago mo simulan ang isang bagay, pag-isipan mo muna ito para mas lumaki ang chance na magtagumpay ka.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 26
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magbabago ang tingin mo sa isang bagay ngayong araw, lalo na kung may taong mag-iimpluwensiya sa iyo tungkol dito.
Love:
Couples: Huwag mo na gawing kumplikado ang inyong sitwasyon. Simple lang naman ang kailangan mong gawin kaya aksyunan mo na agad ito.
Money/Career:
Huwag ka muna masyadong bossy sa iba dahil may chance na mairita lang sila sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kailangan mong makipagcoordinate sa ibang tao ngayong araw para hindi na maulit pa ang pagkakamaling nagawa mo kamakailan.
Love:
Couples: Mukhang magiging masaya ka ngayong araw dahil may nakahandang sorpresa para sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Makinig ka sa sinasabi ng ibang tao at huwag mo lagi sila pangunahan.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung marami kang taong tungkol sa isang bagay, marahil ay mas maganda kung ikaw na mismo ang hahanap ng sagot sa mga ito.
Love:
Couples: Mukhang hindi ka mapapakali sa mga ginagawa ng iyong partner, lalo na kung napapansin mong kakaiba ang kanyang mga kinikilos.
Money/Career:
Makinig ka sa mga request ng iyong mga kasama at baka naman pwede mong pagbigyan ang ilan sa mga ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 24
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Subukan mong kilalanin nang husto ang isang tao ngayong araw at baka makarelate ka mostly sa mga ginagawa niya.
Love:
Couples: Huwag ka matakot na ishare sa iyong partner ang ilan sa iyong mga pinoproblema. Malay mo, makatulong siya sa mga ito.
Money/Career:
Maging honest ka sa iyong sarili. Kung meron kang problema sa isang tao, kausapin mo siya tungkol dito.
Lucky color: Gold
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong kalimutan na magthank you sa iyong kaibigan lalo na kung may ginawa siyang favor sa iyo kamakailan.
Love:
Couples: Ikaw na mismo ang gumawa ng first move, kahit na alam mo na hindi naman ikaw ang may kasalanan.
Money/Career:
Magtiwala ka lang sa iyong mga kasama lalo na kung alam naman nila ang kanilang ginagawa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Ayusin mo na agad ang isang bagay ngayong araw para naman hindi na ito lumala pa at madamay ang mas maraming tao.
Love:
Couples: Kung gusto mo munang lumayo sa iyong partner, gawin mo ito lalo na kung gusto mong makapag-isip.
Money/Career:
Maging sensitive ka sa iyong mga kasama para naman hindi ka maging awkward sa kanila.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 3
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Tiis-tiis ka na lang muna sa ngayon. Malalampasan mo rin ito kaya naman tibayan mo lang ang iyong loob.
Love:
Couples: Bigyan mo ng space ang iyong partner, lalo na kung napapansin mong nagiging clingy ka na masyado sa kanya.
Money/Career:
Mas mabuting umiwas ka na lamang sa isang issue lalo na kung wala ka naman talagang kinalaman dito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15