- Lalamove offers various benefits to partner drivers this Holiday season
- Maraming Lalamove partner drivers pa ang nakikinabang sa mga panalong benipisyong handog ng Panalomoves
Parami na nang parami ang nagpapadeliver sa Lalamove, at ngayong Christmas Season, libo-libong mga regalo at bagay ang pinapadala araw-araw. Bilang bahagi ng “shared economy” business model, marami kaming partner drivers na sumasali at naghahatid ng mga delivery sa aming customers.
Bukod sa malaking kita na nakukuha ng mga partner drivers, nais din pagandahin at i-angat ng Lalamove ang buhay nila. Kaya naman simula 2018, nakipag-partner ang Lalamove sa mga malalaking industriya para mabuo ang “Panalomoves”. Ang Panalomoves ay ang pinagsama-samang panalong benepisyo na binibigay ng mga partner companies para sa bawat partner driver ng Lalamove. Malalaking discounts sa sasakyan, fuel, cellphone, ay ang ilang halimbawa na maaaring matanggap ng mga partner drivers.
Ibinahagi ni Ronald Balingit, Lalamove Partner Driver, ang kaniyang galak sa Panalomoves. “Gamit na gamit ko ang Petron Value Card sa aking pang-araw-araw na mga biyahe. Nagsimula ako maging partner driver noong Disyembre 2017, at noong nagfull-time ako noong Abril ngayon taon, nakaipon ako nang sapat na pera para makakuha ng anim na units na L300. Malaking tulong ang points na nakukuha ko sa Petron Value Card dahil pwede kong gamitin ito pangkarga dahil sa peso-value ng bawat points.”
Gaya ni Ronald Balingit, maraming Lalamove partner drivers ang nakikinabang sa mga panalong benipisyong handog ng Panalomoves. Interesado ka bang kumita ng malaki sa sarili mong oras? Sumali na sa Lalamove! Magsign up na sa bit.ly/lalamovedriver o maaaring bumisita sa aming mga opisina sa Makati, QC at Alabang. Panalo ka na sa kita, panalo ba sa benepisyo!