Napa-post sa kanyang Facebook account ang singer-actress na si Gigi De Lana dahil hindi nakarating sa oras ang mga bagahe niya at ng banda niyang Gigi De Lana and The Gigi Vibes — pati na rin ang instruments na gagamitin sana nila — sa Cauayan, Isabela kung saan sila magpe-perform para sa isang festival doon.
“Ano nangyayari sa inyo?” ani Gigi sa kanyang Facebook post.
“Lahat ng luggages namin, pati instruments ng Gigi De Lana and The Gigi Vibes, hindi dumating sa Cauayan!! Paano kami mag-peperform mamaya? Hindi man lang kayo nag inform.
Dagdag din niyang hindi nila ito naranasan sa ibang airline company.
Sumbat din ni Gigi sa isa pa niyang Facebook post, “Maraming salamat sa nangyari today dami ko na realize. Katulad ng wag magtitiwala agad agad. “THE SHOW MUST GO ON! Lez do dis!”
Nilinaw din ni Gigi na hindi ‘yung April Fools kahit na noong April 1 ito naipost.