Hindi na talaga mapipigilan ang pagbabalik-GMA Network ni Matteo Guidicelli pagkatapos ng isang dekada. Huling nasilayan bilang isang Kapuso si Matteo sa ‘SOP Fully Charged’ noong 2009 bago siya naging exclusive talent sa ABS-CBN.
Pagkatapos ngang makipagmeeting si Matteo kasama ang mga Viva bosses at GMA Network executives na nareveal sa IG Story ng Kapuso Exec na si Joey Abacan last month, nagsimula na ngang maglabas ang GMA Network ng mga teasers para sa nalalapit na contract signing ng mister ni Sarah Geronimo.
“May ‘G’ na paparating sa GMA Public Affairs! 🏍️ New home. New mission. Abangan! 😉”
May 'G' na paparating sa GMA Public Affairs! 🏍️
New home. New mission. Abangan! 😉 pic.twitter.com/nSftVPjWHc
— GMA Public Affairs (@GMA_PA) May 9, 2023
Nakatakdang pumirma ng kontrata sa GMA Network si Matteo Guidicelli bukas, May 11.
Huling napanood si Matteo sa ‘Tropang LOL’ na umere sa TV5 at ABS-CBN.