Kundi babaguhin ang schedule, bukas na ang storycon ng soap ni Claudine Barretto sa GMA 7 at kundi rin mababago, Iglot ang title ng soap at malalaman n’yo kung bakit ’yun ang title.
Heto pa, kundi rin mababago, sina Jolina Magdangal, Luis Alandy, at Marvin Agustin ang makakasama ni Claudine sa Iglot. Ibinabalik dito ang tambalan nina Jolina at Marvin at may importanteng role rin si Luis.
Si Gil Tejada ang direktor ng family drama na ngayong June ang airing. After the presscon, malalaman kung sino pa ang makakasama ng apat at makikilala rin ang bata na may malaki at importanteng role sa Iglot.
Nauna nang nag-storycon ang bagong soap ni Raymart Santiago na Futbolilits kasama si Jennlyn Mercado at mga batang artista.

