Sa November 18 na ang first taping day ng Christmas serye na pagbibidahan ni Jillian Ward, pero wala pa ring maisip na tamang title si Direk Mark Reyes at ang writers ng serye.
Hopefully, bago ang presscon ng seven-week serye na magpa-pilot sa November 29, may title na ang serye.
Gaganap na walking doll si Jillian, mag-asawa sina Claudine at Wendell at si Michael V ang gaganap sa role ni Santa Claus.
Bilib si Direk Mark kay Jillian dahil walang reklamo kahit noong ibina-body cast para maging kamukha ang manika.
Magugustuhan ng mga bata ang eksena sa Santa Village at sa magaganda pang location na naiisip ni Direk Mark at ng staff.
Dahil sa Christmas serye, walang Christmas vacation si Direk Mark.
Sa Nov. 16 ang last taping niya ng Ilumina at sa Nov. 18, taping naman niya ng Christmas serye na tatakbo hanggang January 7, 2011.