Kasama sa isang dance production number ng Party Pilipinas bukas ang magkapatid na Ehra at Michelle Madrigal.
Birthday rin kasi ni Michelle noong isang araw, kaya may selebrasyon siya bukas sa Party Pilipinas.
Parang promo na rin ng FHM November 2010 issue (kung saan cover ang magkapatid) ang guesting nilang ‘yon sa Party Pilipinas bukas.
Sa Martes, may radio tour sila. Sa Miyerkules, may autograph signing sila sa Robinson’s Galleria Movieworld para sa FHM.
Gusto sana ng FHM na i-cover nang separate ang magkapatid, pero sila mismo ang may idea na magsama sila sa isang cover.
Super sexy ang FHM November issue cover nina Ehra at Michelle.