Ngayong July 16, 2011 nakatakdang magsimula ang kauna-unahang game show ni Cong. Manny Pacquiao sa TV! Hindi lang ang mga hosts nito na sina Onyok Velasco, Paolo Contis, Isabelle Daza, Rhian Ramos at si Cong. Manny Pacquiao ang excited sa show na ito kundi ang milyong-milyong fans ni Manny para sa kanyang bagong game show.
Balitang-balita na sa AFP theater daw ito magpapilot episode at si Direk Louie Ignacio ang director ng show na ito.
Mamimigay ng papremyo si Manny Pacquiao kasama sina Rhian, Ramos, Onyok Velasco, Lito Camo, Isabelle Daza at Paolo Contis. Many Many Prizes ang final title ng game show na ito na sinasabing papalit sa timeslot ng Andres de Saya na namove sa Sunday slot (na iniwan naman ng Show Me Da Manny).